Katas ng Pinagpaguran at 4-Taong Pag-iipon, Mag-asawa Nakapagpundar ng Marangyang 2-Story House na May Malawak na Parking Area

Maayos at kumportableng tahanan, yan ang isang bagay sa mundo na pinapangarap natin na maibigay natin para sa ating pamilya, lalo na kung tayo’y lumaki sa payak lamang na pamumuhay. Ang pagkakaroon din ng pangarap nating tahanan para sa ating pamilya ang isa sa mga inspirasyon at motibasyon natin, kaya tayo’y patuloy na nagsisikap sa buhay. Tunay naman kasing napakasarap sa pakiramdam, na magkaroon ng isang tahanan na talagang iyong pinagpaguran.

Katulad na lamang ng mag-asawang nito lamang nakaraan ay ibinahagi sa Facebook community page na Home Buddies ang kanilang dream home, kung saan ito’y isang marangyang 2-story home, na siyang katas ng kanilang pinagpaguran at pag-iipon.

“PTPA (for inspiration)”

“A small video lang po, sinamahan ko na rin ng photos mga ka HB para sa 4 years naming pinag-ipunan at pinagplanuhan naming mag-asawa…. And now our dream house do come true.. masarap pala sa pakiramdam na ang pinagpaguran mo ay nakikita mong napunta sa matagumpay na project”, ang naging pagbabahagi ng homeowner na si Elimar Jucs Tupas.

Sa video at larawan na kanyang ibinahagi ay masisilayan na an tahanan nilang ito ay mayroong modernong disenyo at dalawang palapag na nakatirik sa isang lupain na may kalaparan, dahil mapapansin sa video na ito’y mayroong bakuran na naka-landscape at sa isa namang larawan ay makikita na may parking area ito na ang dalawang sasakyan at motorsiklo.

Photo credits: Elimar Jucs Tupas | Facebook

Photo credits: Elimar Jucs Tupas | Facebook

Photo credits: Elimar Jucs Tupas | Facebook

Hindi lamang ang labas ng tahanan na ito nina Elimar ang tunay na napakaganda, dahil sa loob nito ay bakas na lahat ng kanilang pinagpaguran ay talagang kanilang inilaansa dream house nilang ito.

Ang tahanan nilang ito ay mayroong magarang living area, kung saan mayroon itong L-shape sofa na kulay gray, agaw-pansin din ang maliit na center table na purong kahoy na mayroong kakaibang hugis. Isa din sa pinaka-accent ng living area ay ang bricks wall kung saan nakakabit ang telebisyon na may kaaya-ayang Tv rack.

Photo credits: Elimar Jucs Tupas | Facebook

Photo credits: Elimar Jucs Tupas | Facebook

Kaagad namang makikita ang dining area, dahil ito’y halos kasunod lang ng living area. Sa living area ay makikita ang 6-seater dining table na purong kahoy, at ang agaw-pansin naman dito ay ang pangyayamanin nitong chandelier. Sa gilid naman ng dining area ay ang kitchen na, ngunit nasa pagitan ng mga ito ang isang counter, kung saan mayroon itong apat na stool chair.

Photo credits: Elimar Jucs Tupas | Facebook

Photo credits: Elimar Jucs Tupas | Facebook

Mapapansin ang kalinisan ng kitchen area, na tila ang lahat ng kagamitan dito ay nakapaloob sa built in cabinet na nakukulayan ng gray. Makikita din dito ang isang 2-door refrigerator.

Photo credits: Elimar Jucs Tupas | Facebook

Photo credits: Elimar Jucs Tupas | Facebook

Photo credits: Elimar Jucs Tupas | Facebook

Isa din sa kahanga-hanga sa tahanan na ito nina Elimar ay ang hagdanan na patungo sa ikalawang palapag, dahil sa pagiging high ceiling ito ay napakaganda nitong tingnan, idagdag pa ang glass nitong railings pati na din magarang chandelier na nagbibigay liwanag sa bahagi na ito ng tahanan.

Photo credits: Elimar Jucs Tupas | Facebook

Photo credits: Elimar Jucs Tupas | Facebook

Kaaaya-aya din ang bathroom area ng tahanan, kung saan maliban sa shower ay mayroon pa itong bathtub. Mapapansin din ang magarang sink ng bathroom area.

Photo credits: Elimar Jucs Tupas | Facebook

Sa kabuuan ay talagang mapapa-wow tayo sa napakagandang 2-story home na ito nina Elimar, at ayon sa kanyang post ang RKJ Construction ang tumulong sa kanila para ma-achieve ang dream house nilang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *