Connect with us

Inspiring

Dahil sa Pagiging Online Seller, Isang Single Mom Nakapagpundar ng Sariling Bahay at Iba’t Ibang mga Aria-arian

Isang single mom ang nagpatunay na sa kabila ng pagiging mag-isa niya na nagtataguyod sa kanyang anak, ay hindi naman ito hadlang para hindi niya makamit ang tagumpay sa buhay na kanyang pinapangarap. Si Anne Cerna ay isang single mom sa kanyang napakabata pang edad, sa kabila nito, ay nagawa niyang paunlarin ang kanyang buhay at makapagpundar ng sarili niyang bahay at mga ari-arian.

Photo credits: Anne Cernal | Facebook

Ayon sa ulat, ang pagiging online seller ni Anne ang naging daan upang makamit niya kung ano man ang mga magagandang bagay na mayroon siya ngayon sa kanyang buhay.
Sa pagiging online seller ng single mom na si Anne ay nagawa di niyang suportahan ang kanyang pamilya at magpagawa ng sarili niyang bahay na dalawang palapag.

Maliban pa dito ay nakapagpundar siya ng iba’t ibang mga ari-arian, sa mga lugar ng Davao City, Cavite at Tagaytay. Nagawa din niyang makabili ng motorsiklo dahil sa pagtitinda niya online.

Photo credits: Anne Cernal | Facebook

Ibinahagi ni Anne ang kuwento ng kanyang tagumpay bilang isang online seller, sa pagnanais niyang magbigay ng inspirasyon sa iba lalo na sa mga kapwa niya single mom. Ayon kay Anne, isa pa sa mga nakatulong sa kanya na ma-achieve ang mga bagay na mayroon siya ngayon ay ang pagiging isa niyang ‘Certified Iponaryo’ at ang pagsubaybay niya sa financial literacy mentor na si Chinkee Tan.

Bunga nga ng pagiging online seller ang kanyang naipundar na 2-storey house, na hindi lamang kongkreto kundi napakaganda pa at kumpleto sa mga magagarang kagamitan.

Photo credits: Anne Cernal | Facebook

Photo credits: Anne Cernal | Facebook

Photo credits: Anne Cernal | Facebook

Mapapansin din na maliban sa living area at kitchen, ay napaka-elegante rin ng comfort room ng tahanan ni Anne. Ayon naman sa ulat, ang ganitong uri ng tahanan kay Anne, ay maaring umabot ang halaga sa Php1.8-million pesos, depende sa lokasyon nito at materyales na gagamitin dito.

Photo credits: Anne Cernal | Facebook

Bilang isang single mother ay tunay na kaligayahan ni Anne ang magkaroon ng sarili nilang tahanan ng kanyang anak, at ang maibigay niya rito ang magandang buhay at kinabukasan.
Inspirasyon naman ang naging hatid ni Anne para sa marami, lalo na sa mga kapwa niya online seller at single mother na hanggang ngayon ay patuloy na nagsusumikap para sa kanilang pamilya.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved