Connect with us

Stories

K Brosas, Masayang Ibinahagi na Nakalipat na siya sa Bago niyang Bahay Matapos ang Ilang Buwan na Stress Dahil sa Kanyang Dating Contractor

Matatandaang Setyembre noong nakaraang taon nang naging usap-usapan ang naranasang scam ni K Brosas mula sa contractor na kaniyang pinagkatiwalaan sa pagpapatayo ng kaniyang tahanan. Ayon sa aktres at komedyante, fully-paid na umano ang bahay na ito na nagkakahalaga ng PhP7 million ngunit noong makita niya ang resulta ng konstruksyon ay umabot lamang sa 35% ang natapos dito.

Dahil dito, talagang nanlumo ang aktres lalo na at plano niya itong ipamana sa kaniyang anak na si Crystal . Agad din siyang nagsampa ng kaso sa kaniyang dating contractor at ngayon ay umaasa siyang maibabalik ang kaniyang pinaghirapang pera.

Photo credits: K Brosas | IG

Sa kabila ng pinagdaanan ni K, hindi siya natakot na sumubok ulit ng ibang contractor. Sa kabutihang palad, naging maayos at matagumpay na ang pagpapatayo ng tahanan ni K. Dahil dito ay labis ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang ikalawang contractor na si Roald Sugapong. Nang matapos din ang tahanang ito ay agad na nakalipat ang buong mag-anak ni K.

Abot-langit ang saya ng aktres lalo na at talagang napakaganda ng naging kinalabasan ng bahay na ito. Excited din niyang ibinahagi sa kaniyang mga taga-suporta sa social media ang bagong mansyon na ito.

Mayroong tatlong palapag ang bagong bahay ng komedyante. Pagdating naman sa disenyo nito, moderno ang mansyong ito ni K at mayroong magkahalong tema ng puting kulay at mga elemento na gawa sa kahoy. Sa living area ay bubungad ang entertainment space na talaga namang napaka-elegante dahil sa puti at itim nitong kulay. Ang ibang mwebles naman ay gawa sa kahoy na nakadagdag sa kagandahan ng espasyo. Matatanaw din mula rito ang hagdan na gawa sa salamin.

Photo credits: K Brosas | IG

Parehong kulay puti rin ang dining area at kusina ng bahay. Isa nga sa ipinagmamalaki ni K ay ang bahaging ito ng bahay na talaga namang napakalawak.

Photo credits: K Brosas | IG

Mayroon itong U-shaped na counter na punong-puno ng mga kagamitan at kitchen equipments ng pamilya. Siguradong mag-eenjoy sila sa paggamit ng kusinang ito.

Photo credits: K Brosas | IG

Photo credits: K Brosas | IG

Bukod sa mga silid na nabanggit, hindi rin magpapahuli ang comfort room ng bahay na talagang maaaring maihalintulad sa palikuran ng mga hotel.

Photo credits: K Brosas | IG

Photo credits: K Brosas | IG

Dahil sa kagandahan ng bahay ni K, hindi maitatanggi na talagang masaya at kuntento siya rito. Bukod sa kaniyang mga taga-suporta at bagong contractor, hindi rin nakalimutan ni K na pasalamatan ang lahat ng taong umalalay sa kaniya noong nakaranas siya ng hamon.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved