Connect with us

Inspiring

Mag Asawa Nag-alinlangan Noong Una na Magsimula ng Bagong Buhay sa Probinsya, Ngunit Nang Makapagpatayo ng Bahay, Ito Daw ang Isa sa Best Decision na Kanilang Nagawa

Ang paninirahan sa lugar na tahimik, malapit sa karagatan at napapalibutan ng mga puno na nagbibigay ng preskong hangin, walang traffic, walang ingay ng mga sasakyan na mayat-maya ay dumaraan ang pangarap ng karamihan na nakatira sa syudad.

Katulad nalang ni Canalyn Davidson na ibinahagi ang kanilang buhay probinsya sa grupong Home Buddies kung saan isa ito sa “the best decision” na kanilang nagawang mag-asawa.

Photo credits: Canalyn Davidson | Facebook

Photo credits: Canalyn Davidson | Facebook

Pagbabahagi ni Canalyn na sila ay nakatira sa syudad ngunit pangarap ng kanyang asawa na manirahan sa lugar kung saan malapit sa dagat, tahimik, walang traffic, presko ang hangin at may napakagandang kapaligiran.

Photo credits: Canalyn Davidson | Facebook

Dalawang taon na daw ang nakalipas noong nagplano silang magpatayo ng bahay sa probinsya ngunit nag-alinlangan sila noong una dahil masyadong malayo sa mga establisyemento at syudad kung saan andun ang kanilang mga pangangailangan. Ngunit dahil sa kagustuhan talaga ng kanyang asawa na manirahan ng simple sa probinsya nagdesisyon silang magpatayo dito ng 2-storey house.

Photo credits: Canalyn Davidson | Facebook

Hindi inaasahan ni Canalyn na ang desisyon nilang lumipat sa probinsya at dito na manirahan ang isa sa pinaka magandang desisyon na nagawa nila dahil sobrang nagustohan nila ang kanilang pamumuhay dito.

Photo credits: Canalyn Davidson | Facebook

Nagustohan nila ang katahimikan, malamig at sariwang simoy ng hangin, healthy na pamumuhay hatid ng mga sariwang pagkain, kagaya ng mga gulay, isda, prutas na kanilang nakakain.

Sobrang nagustohan din nila dito dahil walang traffic, mas less ang gastos dahil mura ang mga bilihin at mas malapit sa pamilya nila at mga kaibigan kumpara sa syudad kung saan magulo, at nakakastress dahil sa ingay at mahal na mga gastusin.

Sa Facebook Group ng Home Buddies, isang community ng mga house enthusiast ibinahagi ni Canary ang kanilang naipundar ng kanyang asawa na 2-storey house at may malawak na bakuran na matatagpuan sa Lian Batangas.

Photo credits: Home Buddies | Facebook

Makikita sa mga ibinahagi niyang larawan ang napakagandang disenyo ng kanilang bahay mula labas hanggang loob. Makikita din na napapalibutan ang kanilang lupain ng puting pader bilang seguridad narin.

May malawak naman silang car park area na may bubung kung saan kasya ang dalawang sasakyan. Napakalawak din ng kanilang bakuran kung saan pwedeng pwede sila dito magtanim ng mga halaman at gulay.

Pagpasok naman sa loob ng bahay bubungad ang napakaaliwalas at lawak nilang sala kung saan dito sila nagbobonding na pamilya at nagrerelax habang nanonood ng telebisyon.

Photo credits: Canalyn Davidson | Facebook

Photo credits: Canalyn Davidson | Facebook

Photo credits: Canalyn Davidson | Facebook

Photo credits: Canalyn Davidson | Facebook

Photo credits: Canalyn Davidson | Facebook

Photo credits: Canalyn Davidson | Facebook

Photo credits: Canalyn Davidson | Facebook

Naging maganda dina ng kombinasyon ng kulay ng pader nila sa kanilang tiles hanggang sa kanilang ceiling na puro puti lang. Nagbigay ito ng maaliwalas at galanteng itsura sa loob ng kanilang bahay.

Photo credits: Canalyn Davidson | Facebook

Photo credits: Canalyn Davidson | Facebook

Makikita din na naglagay na si Canalyn ng mga christmas decoration na mas nagpaganda pa sa dekorasyon ng kanilang tahanan.

Photo credits: Canalyn Davidson | Facebook

Photo credits: Canalyn Davidson | Facebook

Kaya naman ayon kay Canalyn na para sa mga kagaya nilang hesistant na magsimula ng bagong buhay sa probinsya ay hindi pa huli ang lahat, kapag kaya at may pagkakataon ay simulan nyo na dahil dito ninyo mararanasan ang mas tahimik at mas healthy na buhay kasama ang pamilya.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved