Connect with us

Inspiring

Isang Lalaki, Nakapagpundar ng Bahay at Lupa Matapos Gamitin ang Perang Kanyang Nakuha Mula sa Kanyang mga Airfare Refund, “I was able to fulfill yong wish ng Nanay ko”.

Masaya at proud na ibinahagi ng isang netizens na ngayon ay hindi na nila kinakailangan pang mangupahan dahil mayroon na siyang sariling tahanan. Ang pagkakaroon ng sariling tahanan ay naisakatuparan niya matapos niyang magdesisyon na gamitin ang refunded money niya para makuha ang kanyang kauna-unahang property na ito.

“Masaya ‘yung idea na we do not need to rent anymore. Masaya na mayroon na akong sariling bahay”,

ang naging pagbabahagi ng netizens na si Richard Clara, matapos siyang makapanayam ng Summit OG Channel

Samantala, ayon kay Richard ang kauna-unahan niyang property na ito ay naisakatuparan niya sa panahon na laganap ang pandemya sa ating bansa, kaya naman tanong natin, paano niya ito nagawa, lalo na’t kung ating babalikan ang panahon ng pandemya ay naging krisis ito sa ating bansa kung saan ay halos karamihan sa atin ay nahirapan at dumanas ng kakapusan.

Ayon kay Richard nagawa niyang makabili ng bahay sa panahon ng pandemya, dahil sa pera na mula sa kanyang airfare refund. Noon kasi ay madalas siyang magtravel, ngunit dahil nga sa pagsiklab ng pandemya, ay hindi na natuloy ang mga naka-book niyang travel, at ang perang naipon niya para sana sa mga travel niya na ito ay hindi rin niya nagalaw.

“Canceled lahat ng flights,” Richard recalls. “Nag-refund naman lahat ng airline, and then ‘yong mga budget ko for that, naipon talaga siya”, saad niya.

Sa pagkakaroon niya ng sapat na pera mula nga sa airfare refund niya at naipon na dapat ay budget niya sa travel, ay dito na nagdesisyon si Richard na gamitin ang pera sa pag-pursue ng kanyang personal goal, at ito ay ang pagkakaroon ng sariling bahay.

Nakatagpo si Richard ng maayos at magandang lugar na pagtitirikan ng kanyang bahay, at ito ay sa Cainta, kung saan malapit lang ito sa mga mall, at ilang minuto lang ang byahe pagtutungo sa Ortigas business district.

“I got the courage to invest, magbigay ng downpayment, maghulog ng amortization ng hindi iniisip na may problema sa paghuhulog,”

ani Richard hindi man sapat ang hawak niyang pera para mai-full ang bahay ay naging sapat naman ito para sa downpayment at initial amortization nito.

Naniniwala si Richard na sa kabila na hindi natuloy ang mga plano niyang pag-travel ay napunta na naman sa mas maganda at mapakikinabangan ang pera niya, at ang mahalaga pa ay na-fulfill niya ang wish ng kanyang ina.

“I think it’s the perfect time kasi definitely, natetengga ‘yong pera,” he adds.

“It’s a win-win situation, kasi I was able to fulfill ‘yong wish ng nanay ko.”

Kuwento pa ni Richard, ang kanyang ina ang humikayat sa kanya na kumuha at magpundar na ng kanyang sariling property, kaya naman ng makabili siya ng lupa ito ay sorpresa niyang ipinaalam sa kanyang ina noong magdiwang ito ng ika-72 taong kaarawan.

“Dinala namin siya doon sa subdibisyon na pagtatayuan ng bahay. Pinakita namin ‘yong lote, and then ‘yong bahay na itatayo”, saad niya.

Ibinahagi din niya na napa-Wow ang kanyang ina ng makita ang property niya, at talagang nagulat at na-excite ito.

Sa kasalukuyan ay nagpa-plano na si Richard at ang kanyang ina sa kung papaano nila aayusin at pagagandahin ang naturang bahay at ang garden nito.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved