Connect with us

Inspiring

Nang Dahil sa Mangga at sa Php15k na Kapital Mag-asawa Naging Milyonaryo, Nakapagpatayo na ng Kanilang Bahay at Nakabili na ng mga Sasakyan 

Talagang mapalad at kahanga-hanga ang mga simpleng negosyante na napapalago ang maliit na kapital at negosyong kanilang sinimulan. Dahil dito, nagiging inspirasyon ang kwento ng mga negosyanteng ito gaya na lamang ng mga may-ari ng Max Mango para sa iba na nais ring maging matagumpay sa kanilang pinasok na negosyo.

Gamit ang halagang PhP15,000, isang simpleng tent, at determinasyon ay itinayo ni Jochell Lopez Quiñones at ng kaniyang asawa noong Nobyembre taong 2018 ang isang maliit na negosyo sa Sampaloc, Manila kung saan nagbebenta sila ng iba’t ibang produkto gaya ng mango shake at smoothie.

Naging maayos naman ang kita ng kanilang mango business dahil talagang marami din ang bumibili ng kanilang produkto. Sinuportahan din umano sila ng kanilang mga kapit-bahay kaya naman naging maganda ang kanilang kita. Bukod dito, sinubukan din nilang magbenta online kaya naman marami din ang nakakilala sa kanila.

Ngunit kahit gaano man kaganda ang anumang negosyo, hindi pa rin maiiwasan ang ilang mga problema at hamon. Dahil dito, hindi maitatanggi na importante pa rin na makinig sa payo at suhestiyon ng iba lalong-lalo na ang mga suhestiyon mula sa mga suki at customers. Sa kasamaang palad, hindi ito nagawa nina Jochell kaya naman naapektuhan nang husto ang kanilang negosyo.

Sa kabila nito, hindi pa rin sila sumuko at ginamit na lamang nila ang karanasang ito bilang isang magandang aral. Sa pagkakataong ito ay humingi na rin sila ng tulong mula sa isang financial coach upang matulungan sila sa paghawak ng kanilang pera at pagpapalago ng kanilang negosyo.

Hindi nga nagtagal ay napalitan din ng napakaraming mga tagumpay ang kanilang sakripisyo at mga kabiguan. Sa ngayon ay mayroon na silang limang branches at higit sa 250 franchises sa buong bansa. Hindi rin maitatanggi na mas komportable ang kanilang pamumuhay ngayon dahil mayroon na silang sariling bahay at personal na mga sasakyan.

May ilang sasakyan din sila na ginagamit para sa kanilang negosyo.

Talagang kahanga-hanga ang narating ng pamilya nina Jochell. Dahil sa kanilang katatagan, kasipagan, at pagtutulungan, naabot din nila ang tagumpay.

Ngayon ay maaari na rin silang magsilbi bilang inspirasyon para sa ibang negosyante na nagsimula rin sa maliit. Makatutulong din kung gagamitin ng iba ang kanilang karanasan upang maiwasan ang ilang mga hamon at problema sa negosyo.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved