Connect with us

Uncategorized

Isang Pamilya Naging ‘Safe Haven’ ang Kanilang Munting Tahanan sa Bulacan sa Panahon ng Pandemya

Nang magsimulang lumaganap ang pandemya sa ating bansa, ay marami sa ating mga kababayan na naninirahan sa siyudad ang naisipan na tuluyan ng iwanan ang kanilang buhay-siyudad at umuwi na lamang sa kani-kanilang probinsya upang doon magsimula ng bagong buhay.

Sa mga ulat kasi noon ay mas madaming kaso ng COVID-19 ang naiulat sa mga siyudad, tulad na lamang ng Metro Manila, kaya naman ito ang naging dahilan para ang ilan nating mga kababayan ay mas piniling magbalik sa buhay-probinsya kung saan mayroong sariwang hangin at hindi ganu’n kadami ang kaso ng COVID.

Photo credits : Loice Crisostomo

Si Loice Crisostomo ay sa lamang sa mga kababayan natin na nagdesisyon na manirahan sa probinsya noong panahon ng pandemya. Noon ay naninirahan sina Loice sa kanyang in-laws sa Malolos, Bulacan, at kalaunan ay lumipat siya kasama ang kanyang pamilya sa San Ildefonso.
Pagbabahagi ni Loice, ang simpleng tahanan nila sa San Ildefonso ang naging ‘safe haven’ ng kanyang pamilyasa panahon ng pandemya.
Ayon sa kanya, ang kaibigan ng kanyang mister na siya ring barangay captain ng naturang lugar ang nagbanggit sa kanila ng property sa San Ildefonso, dahil batid nito na sila ay naghahanap ng mabibiling lupa sa probinsya.

Photo credits : Loice Crisostomo

“It was barangay captain who happens to be my husband’s friend who told us about the property, because he knew we were looking for a land”, pagbabahagi nito via Email sa Real Living.

Kuwento pa ni Loice, ng mabili nila ang naturang property ay kaagad nila itong ginawang farm kung saan mayroon din itong maliit na tahanan. Dagdag pa niya, dahil may dati ng luma at maliit na bahay sa property na ito na nabili nila, ay ipina-renovate na lamang nga nila ito, at natapos din sa tulong ng mga kamag-anak nilang nagtatrabaho sa mga construction.

Photo credits : Loice Crisostomo

Ang munting tahanan na ito nina Loice ay mayroong sukat na 19sqm, at mayroon itong isang kwarto na double deck ang higaan. Makikita rin na mayroon itong maliit na dining area at kitchen. Nakadagdag din sa kagandahan at pagiging maanyaya ng kanilang munting tahanan ang kanilang yellow façade.

Photo credits : Loice Crisostomo

Makikita naman sa gilid ng munting tahanan na ito nina Loice ang ipinagawa nilang chicken coop, na ayon sa kanya dati itong abandunadong piggery na ipinaayos lamang nila para maging kulungan ng kanilang mga alagang manok.
Sa ngayon ay patuloy na lumalago ang farm na ito nina Loice, kung saan marami na silang mga alaga at tanim, tulad na lamang ng mayroon na silang 30-manok, 2-bibi, 35-puno ng papaya, mga tanim na talong at sili.Ibinahagi naman ni Loice kung ano nag talagang nagustuhan niya sa property nila na ito.

Photo credits : Loice Crisostomo

“We love the calmness and the privacy especially during this pandemic”, saad niya.
Dagdag pa niya, ang pamumuhay nila na ito sa probinsya ay nakatulong din sa kanilang pamilya na mas maging malapit sa isa’t isa, ito ay dahil ang mga gawain nila sa farm ay tulong-tulong nilang ginagawa.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved