Connect with us

Inspiring

Silipin ang Napaka Gandang Duplex Tiny House ng Pamilyang ito sa Alfonso Cavite na may Nakakainlove na Ganda ng Kapaligiran

Kapansin-pansin ngayon ang isang duplex tiny house na makikita sa Alfonso, Cavite. Kilala rin ito bilang F.A.M Ville.

Ayon sa isa sa mga may-ari nito na si Alvin Harilla, mula raw ito sa initials ng kanilang mga pangalan.

Photo credits: OG| YT

Sa labas pa lamang ng bahay ay masasabing napaka-presko na rito dahil sa dami ng iba’t ibang halaman na makikita rito. Itinanim raw ang mga ito noon pang 2020 nang magsimula ang pandemya.

Mula naman sa kanilang tahanan sa Parañaque, dinala nila ang ilang halaman sa property na ito.

Mayroon din silang inilaan na espasyo bilang zen garden gayundin ang ilang upuan sa labas ng duplex.

Photo credits: OG| YT

Perpekto umano ito bilang tambayan kung saan maaari silang makapagpahinga.

Mayroon ding kubo sa kabilang bahagi ng property na kadalasang ginagamit ng pamilya bilang outdoor dining space.

Sa gabi, maaari pang magsalo-salo ang pamilya o ang kanilang mga guests sa bonfire place.

Photo credits: OG| YT

Pagdating naman sa mismong tiny house, mapapansin na kumuha sina Alvin ng inspirasyon mula sa container houses.

Isa raw sa mga naging rason nito ay upang maging environment-friendly ang kanilang itatayong bahay.

Sa isang bahagi ng duplex na pinangalanan nilang Tom Wood, makikita na ang tema nito ay kulay brown, puti, at itim.

Gaya ng ilang mga tiny house, mayroon itong sofa bed at isang maliit na dining area kung saan kasya ang apat na tao.

Kapansin-pansin na mayroong maliliit na appliances sa tiny house.

Photo credits: OG| YT

Maaaring dalhin ang lahat ng ito sa outdoor kitchen ng bahay. Makikita rin sa bahaging ito ang comfort room. Sa ikalawang palapag ng Tom Wood makikita ang bedroom.

Mayroon itong isang queen-sized bed kung saan kasyang-kasya ang dalawang tao. Bilang karagdagang dekorasyon sa bahay, mapapansin ang iba’t ibang obra ni Anina Rubio sa bedroom.

Photo credits: OG| YT

Gaya ng Tom Wood, makikita rin ang parehong disenyo at mga kagamitan sa kabilang bahagi ng duplex na tinatawag nilang May White.

Kumpara sa Tom Wood, kulay gray, puti, at itim ang tiny house na ito.

Photo credits: OG| YT

Pagdating naman sa bedroom, kumpara sa queen-sized bed ng Tom Wood, makikita rito ang isang single bed at day bed. Pareho naman na mayroong balcony ang duplex.

Ayon kay Alvin, PhP2.5 million ang kanilang nagastos para sa pagpapaganda ng 517 sqm. na property na ito.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved