Connect with us

Inspiring

“Ayaw ko nang palipat-lipat kami”: Single Mom, Proud na Ibinahagi ang Pagiging Homeowner sa Edad na 25 Anyos

Totoong importante ang pagkakaroon ng sariling espasyo.

Bagamat maaaring kumuha ang mga pamilya ng apartments, kakaiba pa rin ang saya na naidudulot ng pagkakaroon ng sariling bahay.

Photo credits: Elle Magno

Para kay Elle Magno, nagdesisyon siyang tumigil sa pagrenta ng mga apartments dahil sa tumataas na renta.

Ayon nga sa kaniya, “Ayaw ko nang palipat-lipat kami once the lease is up.” Dagdag pa rito, nais rin niyang magkaroon ng mas maayos na tirahan ang kaniyang anak.

Dito na nga siya kumuha ng isang bungalow.

Matapos niyang makapagbayad ng downpayment, humingi siya ng tulong mula sa kaniyang nanay para sa kaniyang home loan.

Ayon sa kaniya, bagamat patuloy pa rin siyang nagbabayad ng utang na ito, hindi naman maipagkakailang mas mura ito kaysa sa rentang kanilang ibinabayad sa mga apartments.

Photo credits: Elle Magno

35 sqm. ang sukat ng bahay na ito at masasabing simple lamang ang bahay na ito noong una itong makuha ni Elle ngunit sa loob ng anim na taon ay unti-unti naman niya itong napaganda para sa kaniya at sa kaniyang anak na si Ia.

Humingi siya ng tulong mula sa kaniyang kaibigan na isang interior designer at sa huli ay pinili niya ang Scandinavian na tema.

Sa tuwing mayroon siyang naitabing pera, ipinagpapatuloy niya ang renovation ng kaniyang bahay.

Photo credits: Elle Magno

Kung minsan, gumagawa rin siya ng mga DIY na proyekto para makatipid. Una siyang naglagay ng kisame at pintura sa mga dingding.

Kasunod nito, nagpagawa rin siya ng extension ng kaniyang kusina. Upang maging komportable ang kanilang pagpapahinga matapos ang buong araw na pagtatrabaho, pinaganda rin ni Elle ang kwarto niya at ng kaniyang anak.

Photo credits: Elle Magno

Nagpagawa siya rito ng isang loft bed upang makatipid sa espasyo.

Hindi rin niya nakalimutang pagandahin ang kanilang comfort room. Naglagay rin siya ng furnitures sa living at dining area.

Dagdag pa ni Elle, dahil sa limitadong espasyo ng kanilang bungalow, siniguro niyang maayos ang kaniyang storage spaces.

Photo credits: Elle Magno
Bukod sa bagong bahay na ipinasilip ni Elle, nagbahagi rin siya ng ilang paalala para sa mga homeowners na gaya niya.

Mainam raw na pumili ng matitibay na mga kagamitan na pasok sa tema ng iyong bahay.

Mabuti rin daw kung bibilhin na ng mga homeowners ang mga maituturing na functional appliances. Dagdag pa niya, dapat maging handa rin ang mga homeowners sa mga posibleng pagbabago sa kanilang mga plano.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved