Connect with us

Inspiring

“Pharmacist sa Umaga, Call Center sa Gabi” Single Mom Bumili ng Surfplus na Van upang dito Manirahan tuwing Weekend Habang Nagtratravel pantangal ng kanyang Stress

Sa dami ng pinagkakaabalahan at trabaho ng marami sa atin, lalo na ng mga working mom na hindi lamang pagod sa trabaho kundi maging sa loob ng tahanan, ay talaga namang naiisipan ang magplano na kahit minsan ay makapagbakasyon upang kahit sa maikling panahon ay pansamantalang makapahinga sa paminsan-minsan na stress at pagod na hindi maiwasan na maranasan sa araw-araw.

Ngunit hindi naman lahat sa atin ay may kakayahan na gawin ang ganitong pagbabakasyon at lalo na kung walang panahon, at walang budget para rito.

Photo credits: YT| WoodandWild

Samantala, para sa isang single mom-of-two na kinilalang si Katrina Quisil, ang pagta-travel sa iba’t ibang mga lugar ay tila naging madali at magaan para sa kanya, ito ay matapos niyang yakapin sa kanyang buhay ang ‘van life’ na kung saan kanyang ginawang tiny house on wheels ang kanyang sasakyan.

Photo credits: YT| WoodandWild

Si Mommy Katrina ay taga Dumaguete at breadwinner ng kanyang pamilya, kaya naman upang maibigay niya ang pangangailangan ng kanyang dalawang anak, ay dalawang trabaho ang ipinagsasabay niya. Sa uma ay nagtatrabaho siya bilang isang pharmacist, at pagsapit naman ng gabi ay abala naman siya bilang isang specialist ng BPO company.

Photo credits: YT| WoodandWild

Masasabi naman na talagang nakakapagod ang ginagawa ng single mom na si Katrina, lalo na’t dalawang trabaho ang ginagawa niya, kaya naman upang mabigyan niya ng break ang kanyang sarili mula sa araw-araw na trabaho ay naisipan niyang ipa-customized ang kanyang van at ito ang ginagamit niya sa pagta-travel kada weekend kasama ang kanyang mga anak at kaibigan.

Photo credits: YT| WoodandWild

Ayon kay Katrina ang kanyang van ay nabili niya sa halagang Php215,000 dahil ito ay isang surplus at gumastos naman siya ng Php5,000 sa pagpapa-customized nito sa tulong ng kanyang kapatid at pinsan.Ibinahagi din niya ng makapanayam siya sa Summit Videos, kung paano siya nabibigyan ng kakumportablehan ng kanyan customized van, lalo na’t kahit saan siya dalhin nito ay nagagawa niyang makapagpahinga ng maayos.

Photo credits: YT| WoodandWild

“I love how the van gives me a comfortable space to rest whenever I want to and wherever I go to,” saad niya ng makapanayam siya sa Summit Videos

Kuwento pa niya, tuwing weekdays ay sa city siya naninirahan dahil naroroon ang kanyang trabaho, at siyempre sa kanyang van siya natutulog at kumakain dahil ito na ang nagsilbi niyang tahanan. Pagsapit naman ng weekdays ay nagtutungo naman siya sa iba’t ibang mga isla, at ang nagagastos lamang niya sa pagta-travel niyang ito sa mga isla ay ang van plus barge fare.

Photo credits: YT| WoodandWild

“My week is fully packed, and I need a breather. Van life travel on weekends gives me a break from the day-to-day stress,” she explains. “It’s like a recharge button for me before I start another productive week.”

Ibina-vlog din ni Katrina ang ginagawa niyang pagta-travel, at ayon sa kanya isa sa mga nagustuhan niya paninirahan sa van ay ang naturuan niya ang kanyang dalawang anak (12-years old daughter at 7-years old son) na yakapin ang eco-minimalist lifestyle.

“When kids have less, they tend to value things more,” saad ni Katrina sa kanyang vlog.

Pagbabahagi pa ni Katrina, malaki ang naitulong sa kanya ng pagyakap niya sa ‘van life’, dahil maliban sa nagagawa niya ang passion niya sa pagta-travel at nag-eenjoy ay nagagawa din niyang maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Saad pa niya, kahit nagta-travel siya ay malaki naman ang natitipid niya, dahil hindi niya kailangan na mag-hotel kapag nagta-travel o nagtutungo siya sa iba’t ibang lugar o isla ito ay dahil sa loob siya ng kanyang sasakyan natutulog, at dito ay nagagawa din niyang magluto.

“I’m definitely saving a lot, especially with my travel expenses. I don’t need to look for a hotel and I can cook and sleep here,” ani pa ng single mom-of-two.

Dagdag pa niya, masasabi niyang ang desisyon niya na ipursige ang ganitong klase ng lifestyle ay ang nagbigay ng mas masaya at kontentong buhay para sa kanya.

“The past 10 years I say I’ve never lived my life like the way I should have lived it. Van life travel for me is so liberating.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved