Connect with us

Entertainment

Dating Simpleng Garden, Ginawang Tambayan at Play Area ng Mag-asawang Ito para sakanilang mga Anak

Nakakabilib ang pagiging mapamaraan ng mga magulang gaya nina Cathy Pascual at ng kaniyang asawa lalo na sa paggawa ng iba’t ibang proyekto para lamang masigurong ligtas na nakakapaglaro ang kanilang mga anak kahit mayroong banta ng pandemya.

Kwento ni Cathy, nagdesisyon silang ayusin ang kanilang garden noong nahirapang makalabas ang kanilang mga anak dahil sa lockdowns.

Dito na nga nagsimula ang pagpapagawa ng kanilang porch kung saan malayang nakakapaglaro at nakakapagbonding ang buong pamilya sa labas habang pinapanatili ang kanilang kaligtasan.

Photo credits: Cathy Pascual

Bago pa man magsimula ang proyektong ito, masasabing maganda na ang garden ng pamilya nina Cathy. Puno ito ng iba’t ibang bulaklak at napalilibutan ng ilang puno.

Ligtas ding nakakapaglaro ang kaniyang mga anak sa garden na ito dahil sa mga damo na makikita sa buong garden.

Bagamat maganda na ang garden na ito, lalo pang naging kaaya-aya ang parteng ito ng kanilang bahay noong natapos ang kanilang proyekto.

Ayon kay Cathy, pangarap niya noon pa man na maging isang interior designer kaya naman para sa proyektong ito, komunsulta lamang siya sa iba’t ibang disenyo at ideya mula sa internet.

Photo credits: Cathy Pascual

Matapos nga ang dalawang linggo ay natapos rin agad ang proyektong ito. Mapapansin ang kulay puting tema at mga elementong gawa sa kahoy.

Mayroong swing kung saan maaaring makapagpahinga ang kanilang mga anak. Makikita rin ang inilagay na bubong sa porch bilang pananggalang sa ulan. Ang dating damo ay napalitan na rin ngayon ng flooring na gawa sa tiles.

Photo credits: Cathy Pascual

Ginamit rin nila ang mga bulaklak mula sa kanilang garden bilang dekorasyon sa porch. Para naman sa ilan pang dekorasyon, pinili nina Cathy na bumili sa ilang online shops at sa Divisoria upang makatipid.

Dahil talagang napakalawak at komportable ng bagong espasyong ito, naging paborito itong tambayan at play area ng kanilang anak.

Photo credits: Cathy Pascual

Bukod sa pagiging perpektong espasyo para sa mga bata tuwing umaga, maaari ding magamit ang espasyong ito sa gabi kung nais na magbonding o magsalo-salo ng kanilang pamilya.

Photo credits: Cathy Pascual

Ayon sa pamilya ni Cathy, PhP33,000 ang kanilang nagastos para sa proyektong ito.

  1. Bagamat may kamahalan ito, masasabing sulit naman ang lahat ng kanilang nagastos dahil talagang nakakapagrelax sila sa karagdagang parte ng kanilang bahay. Makikita rin na tuwang-tuwa ang kanilang mga anak dito.

Payo nila para sa mga taong nais na sumubok ng parehong proyekto, mainam na maghanap ng iba’t ibang inspirasyon at ideya at kumuha na lamang ng mapagkakatiwalaang mga tao na gagawa nito.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved