Mag- anak na Ilang Taon Nangupahan May Matatawag ng Sariling Tahanan Matapos Iparenovate ang Old House na ito

Pangarap ng halos lahat ng mga mag-asawa at magka-partner sa buhay ay ang makapag-ipon, upang sa ganun ay matupad ang mga mithiin nila para sa kanilang pamilya, kabilang na rito ang pagkakaroon ng sariling tahanan kung saan sila maninirahan ng masaya, payapa at kumportable.

Ngunit, sa panahon ngayon ay tunay na hindi ganoon kadali ang makapag-ipon para magkaroon ng sariling tahahan, lalo na kung ang mag-asawa o mag-partner ay mayroon ng mga anak at may mga bills na kinakailangang bayaran.

Ang mag-asawang sina Dancyl Lumbab, 32-taong gulang at Aaron Nalzaro, 34-taong gulang, ay isa lamang sa mga mag-asawa na mahabang panahon din ang hinintay bago nila nakamit ang pangarap nilang sariling tahanan.

Photo Credits: Dancyl Lumbab Nalzaro

Tulad ng ilang mag-asawa, ay ilang taon ding naranasan nina Dancyl at Aaron ang makitira, bago nila nakamit ang inaasam nilang sariling tahanan.

Unang nanirahan ang mag-asawa kasama ang kanilang mga mga anak na sina Jace, edad 5-taong gulang at Jelena na edad 2-taong gulang sa apartment ng Tita nila sa Davao City na nasa loob lamang ng family compound, ngunit dahil sa kakulangan ng proper ventilation ng unit na tinutuluyan nila ay madalas na atakihin ng asthma ang panganay nilang anak, na humantong pa minsan sa pagkaka-ospital nito.

Photo Credits: Dancyl Lumbab Nalzaro

Dito na sila nagdesisyon na mangupahan na lamang sa isang 3-bedroom townhouse, para masigurado na kumportable ang kanilang dalawang anak.

Ayon sa mag-asawa ng malapit ng matapos ang kontrata nila sa townhouse na kanilang tinitirhan, at nagdesisyon silang maghanap ng ibang apartment na mas abot-kaya pero kumportable para sa kanilang pamilya.

Sa panahong ito, dito na sila kinumbinsi ng ama ni Dancyl na ipa-renovate na lamang ang isang old house sa kanilang family compound.

“He offered to help us with the expenses as a gift, but I think he just wanted to see his grandchildren often,” pagbabahagi ni Dancyl sa SmartParenting.com.ph ng makapanayam siya nito.

Pagbabahagi niya, inalok siya ng kanyang ama, na tutulungan sila sa gastusin pagdating sa pagpapa-renovate ng naturang old house at ito ay bilang regalo na din sa kanila, ngunit batid niya na nais din marahil ng ama niya na makasama at madalas na makita ang mga apo nit kaya naman gusto nito na doon na lamang silang magg-anak manirahan sa kanilang family compound.

Photo Credits: Dancyl Lumbab Nalzaro

Sa Pagpapa-renovate nila ng nasabing old house, ay dito na umano nila napagtantong mag-asawa na mas praktikal ang magpa-renovate kaysa mangupahan, kung saan halos umaabot sa Php25,000 ang nagagastos nila kada buwan, pagdating sa bayad upa, kuryente, tubig at maging sa grocery.

Dagdag pa niya, tila mas naging payapa din sila ng magsimula silang manirahan sa ipina-renovate nilang tahanan na nasa family compound lamang nila, ito ay dahil sa madalas na niyan nakikita at nakakasama ang kanyang mga magulang.

“I realized it’s more practical to just have it renovated rather than renting because we pay around Php25,000 monthly for the apartment plus electricity, water, and groceries. It also makes me feel at ease [knowing] I get to see my parents every day because they are just within the compound,” saad pa ni Dancyl.

Photo Credits: Dancyl Lumbab Nalzaro

Ibinahagi naman ni Dencyl na sa kabila ng pagkakaroon na ng budget para sa renovation, na siya ngang regalo ng kanyang ama, ay naging ‘challenge’ pa rin sa kanila ang pagpapa-ayos ng nasabing old house, ito ay dahil sa talagang major renovation ang kinakailangan nito sapagkat may mga bubong ito namaybutas na, mga cabinet na kailangan palitan, at ang attic nito ay kailangan nilang lagyan ng steel frame para magamit nila bilang extra room.

Hindi naman pinalampas ni Dancyl ang oportunidad na ito, kung saan sa pagre-renovate ay sinigurado niyang ang kalalabasan n anito ay ang pinapangarap niyang tahanan na kumportable at masaya silang maninirahang mag-anak.

Dahil sa sarili na rin nila ang tahanan na ito, lahat ng ideya niya para sa dream house niya, ay ibinuhos niya rito, tulad na lang ng nais niyang maging isa itong minimalist na klase ng tahanan.

“I really wanted to have a minimalist kind of home — not too many things and not too many colors,”saad ni Dancyl.Pagbabahagi pa niya, ang naging isa rin sa mga inspirasyon niya ay ang playhouse ng anak niyang lalaki na gawa sa paleta o wood pallets “I was very specific on what I want and that is the walls to be white, the furniture wood just like Jace’s playhouse and for it to be filled with greens or plants.”

Photo Credits: Dancyl Lumbab Nalzaro

Makikita sa mga ibinahaging larawan ni Dancyl sa SmartParenting.com.ph, na mula sa isang old house, ngayon ay talaga ngang na-achieve niya ang minimalis kind of home na gusto niya. Mapapansin na maliit lamang ang kanilang living at dining area, ngunit dahil sa minimalist ito ay naging maaliwalas itong tingnan.

Kaaya-aya din sa mata ang wood-white theme ng tahanan na ito nina Dancyl.

Maging ang kitche area nina Dancyl ay may tema ring wood-white, at ang nakakamangha pa rito ay ang pagka-organisado ng mga kagamitan.

Minimalist din ito, dahil iilan nga lamang ang mga gamit dito.

Photo Credits: Dancyl Lumbab Nalzaro

Kamangha-mangha din ang bedroom ng kanyang mga anak, dahil sa naging inspirasyon naman ni Dancyl dito ay ang Montessori.

Sa mismong silid naman nila ng kanyang asawa ay minimal décor lamang din ang inilagay ni Dancyl, ngunit napakaganda at kahanga-hanga din ito.

Ang kanilang bedframe, ay mapapansin na gawa rin sa paleta na mas naging agaw-pansin dahil sa nilagyan niya ito ng fairy lights na binili niya sa umano sa Shopee.

Photo Credits: Dancyl Lumbab Nalzaro

May bahagi rin sa renovated home nila na ito na ginawang hangout spot sina Dancyl, kung saan ay napaka-cozy ng dating dahil sa wooden benches nito, at mga halaman.

Mas naging agaw-pansin dito ito dahil sa fairy lights na nagbibigay liwanag dito kapag gabi.

Ayon sa naging ulat ng SmartParenting.com.ph, ang kabuuang halaga ng nagastos nina Dancyl sa ginawa nilang renovation sa old house nila na ito, ay umabot sa Php350,000.

Abot-kayang halaga naman talaga, lalo pa’t tila lahat ng bahagi ng tahanan ay napaganda talaga nila ng bongga.

Labis naman talaga ang kasiyahan ni Dancyl sa naging outcome ng ginawa nilang renovation sa old house, dahil maliban sa hindi na sila mangungupahan, ay na-achieve pa niya ang kanyang dream home.

Narito naman ang mga naging tips ni Dancyl para sa mga nais na magpa-renovate din ng kanilang old house;

1. Source locally.
“All of the materials we bought for the house are from Davao,” says the mom. “Aside from the fact that it’s convenient, it’s also cheaper because we don’t have to outsource and pay for shipping. At the same time, we help our fellow Davaoenos.”
2. Be involved in the project and do your research.
“I spent a lot of hours on Pinterest and on Facebook looking for ideal designs that match our theme. I didn’t have to pay for an interior designer anymore since I got it all covered.
“But just because you hired someone to do the project doesn’t mean you won’t check their work. I constantly call the contractor regarding the progress of the construction and I visit the site. That way we know what needs to be changed or improved and if there are any problems it will be addressed right away.”
3. Ask suppliers for brochures and if they have online delivery.
“It’s very hard to have something renovated during this time so what I did was I look for suppliers that have websites or Facebook accounts where I can call and order. Luckily Wilcon Depot, Citi Hardware and FC Tiles have this.

“I message them my orders then they’ll deliver it to you or you can pick it up at their store. That way you’ll be less exposed,” ani Dancyl.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *