Connect with us

Inspiring

Isang Lumang Jeep Trinansform sa Isang Napakagandang Tiny House na Kasya ang Apat na Katao

Talagang kahanga-hanga ang pagiging malikhain ng mga tao pagdating sa disenyo ng mga tiny house. Kaiba pa sa naggagandahang disenyo ng mga ito, nakakabilib din ang malikhaing paggamit ng iba’t ibang materyales para dito. Nariyan nga ang mga container vans ngunit sa ngayon, maging ang isang lumang sasakyan gaya ng pampasaherong jeep ay nagamit na rin upang maitayo ang kilalang tiny house sa Tanay, Rizal.

Photo Credits: FB| Balai Tanay

Ang Balai Tanay na makikita sa Tanay, Rizal ay isang kakaibang tiny house na mula sa isang pampasaherong jeep. Ibebenta na sana ang lumang jeep na ito ngunit nagdesisyon ang mga may-ari na gawin itong isang jeepney camper. Kumuha sila ng inspirasyon mula sa mga RV na makikita sa internet at telebisyon. Sa paggawa nito, tinanggal nila ang makina ng sasakyan.

Photo Credits: FB| Balai Tanay

Inayos rin nila ang bubong ng sasakyan upang makapagpagawa ng isang loft. Kung titingnan mula sa labas ay mukhang maliit ang camper na ito ngunit kasyang-kasya rito ang tatlo hanggang apat na tao. Sa katunayan, mayroon itong queen-sized bed at isang double bed na makikita sa loft.
Bukod dito, may karagdagang espasyo rin sa loob ng tiny house para sa mga benches kaya naman maaaring makapagpahinga ang bibisita sa Balai Tanay.

Photo Credits: FB| Balai Tanay

Sigurado din na magiging komportable ang mga guests dito dahil air-conditioned ang buong tiny house. Bagamat walang kusina sa loob nito, makikita naman ang isang refrigerator at simpleng sink. Dagdag pa rito, maaari ding magluto ang mga staff para sa kanilang mga guests. Mula naman sa tiny house ay makikita ang outdoor comfort room.

Photo Credits: FB| Balai Tanay

Pagdating naman sa amenities ng Balai Tanay, siguradong sulit ang experience dito ng mga magkakapamilya o magbabarkada. Maaaring mag-enjoy ang mga guests sa swimming pool na perpekto tuwing panahon ng tag-init. Sa gabi, maaari pang makapagbonding ang mga bisita sa harap ng bonfire pit ng lugar.

Photo Credits: FB| Balai Tanay

Talagang napakaganda ng Balai Tanay. Bukod sa kakaibang tiny house na makikita rito, maraming aktibidad ang maaaring magawa ng mga guests. Maaari din silang mag-enjoy sa preskong hangin at katahimikan ng lugar. Dahil dito, swak na swak din ang lokasyon nito para sa mga bisitang nais na pansamantalang iwasan ang ingay at polusyon ng syudad.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved