Connect with us

Inspiring

Kumikita ng PhP170,000 sa Isang Buwan ang Couple na ito sa Kanilang Naipatayong Coffee Shop Business

Mapapansin na napakaraming coffee at milk tea shops ang nagbubukas ngayon. Dahil nga isa ito sa mga magagandang negosyo ngayon, hindi na pinalampas ng magkasintahang sina Ram Lopez at Cray Velasco ang pagkakataon na magbukas ng kanilang sariling coffee shop.

Kwento ni Ram, hindi niya gustong maging isang empleyado hanggang sa kaniyang pagtanda kaya naman naisip niyang magtayo na lamang ng isang negosyo. Perpekto naman ang kanilang binuksang coffee shop lalo na at mayroong ideya at kaalaman si Ram pagdating sa paggawa ng kape. Sa kabilang banda, si Cray naman ang nagdisenyo ng kanilang coffee shop.

Photo credits: OG | Youtube

Dagdag pa sa napakaganda at Instagrammable na disenyo ng mga coffee shop ngayon, importante rin ang kalidad ng mga inumin at pagkaing inihahain sa mga customers. Dahil dito, nagtutulungan rin ang dalawa lalo na sa pagpili ng kanilang ibebentang inumin at pagkain.

Photo credits: OG | Youtube

Bago pa man sila nagkaroon ng maliit na coffee shop, nagsimula ang kanilang negosyo sa isang simpleng cart. Naglaan din ng oras si Ram sa pag-aaral kung paano gumawa ng kape.

Photo credits: OG | Youtube

Ayon sa kaniya, PhP500 lamang ang kaniyang nagastos para sa isang online course tungkol sa paggawa ng kape. Mula rito, napakarami niyang natutunan at ngayon nga ay ibinabahagi na niya ito sa kanilang mga empleyado.

Photo credits: OG | Youtube

Masasabing ito ang naging puhunan nila sa pagbukas ng kanilang sariling negosyo. Bukod dito, umabot din sa PhP7,000 ang kanilang nailabas na pera para sa kanilang mga supplies.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Nabawi naman nila ang puhunang ito noong mapansin ng kanilang mga customers ang kanilang kakaibang paggawa ng mga inumin. Mula noon, unti-unti na silang nakilala.

Photo credits: OG | Youtube

Ngayon naman, kumikita na sila ng PhP160,000 hanggang PhP170,000 kada buwan. Kumikita rin sila ng royalties na nagkakahalaga ng PhP10,000 hanggang PhP15,000 mula sa kanilang mga branch. Dagdag pa rito, kumikita rin sila ng PhP10,000 mula sa kanilang mga bookings. Binuksan na rin nila ang kanilang negosyo para sa mga taong gustong mag-franchise ng coffee shop na ito.

Photo credits: OG | Youtube

Bagamat napakalaki na ng kanilang kinikita ngayon, inamin nina Ram at Cray na nakaranas din sila ng ilang pagsubok ngunit payo nila sa kanilang mga kapwa business owners, hangga’t maaari ay iwasan nila ang mapanghinaan ng loob. Mahalaga rin ang pag-uusap lalo na sa pagitan ng mga business partners upang maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved