Nakakabilib ang ilang indibidwal gaya nina Lolo Renato and Lola Susan De Vera na talagang pinaghandaan nang mabuti ang kanilang retirement place. Ngayon, ipinagmamalaki nilang ibinahagi ang kanilang farm at bahay kung saan masaya silang namamalagi.
Kwento ni Lolo Renato, bagamat mayroon silang condominium unit sa Maynila, pinili pa rin nilang manirahan sa property na ito at ngayon nga ay itinuturing na nila ito bilang retirement place.
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Dahil dito, simple lamang ang kanilang orihinal na plano para sa farmhouse na ito. Maging ang mga materyales ay gawa lamang sa amakan, nipa, kahoy, at anahaw ngunit dahil prayoridad nilang mag-asawa ang kanilang kaligtasan, pinili na lamang nila sa huli na magkaroon ng konkretong bahay.
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Sa living area pa lamang ay makikita na ang kinahihiligan ni Lola Susan na mga halaman.
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Dagdag pa rito, nagsisilbi ring dekorasyon ang iba’t ibang memorabilia na nabili nilang mag-asawa. Mula rito, maaari namang mapuntahan ang dining area na mayroong dalawang mesa.
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Talagang kasyang-kasya rito ang buong pamilya nina Lolo Renato at Lola Susan. Gaya naman ng dining area, napakalawak din ng kusina at dirty kitchen ng bahay na ito.
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Ibinida rin ng mag-asawa ang kanilang mga inaning pananim at produkto mula sa kanilang farm.
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Ipinakita rin ni Lola Susan ang kanilang master’s bedroom ngunit bukod sa silid na ito, maaari ding makapagpahinga ang mag-asawa sa kanilang patio matapos ang buong araw na pagtatrabaho sa kanilang farm.
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Mayroon din silang ilan pang bahay kubo sa paligid ng property at isang konkretong tahanan para sa kanilang anak.
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Bukod sa napakagandang farmhouse, napalilibutan din ng iba’t ibang halaman at gulay ang kanilang property. Ayon kay Lolo Renato, mayroon silang talbos ng kamote, talbos ng kangkong, malunggay, alugbati, at marami pang iba.
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Dagdag pa sa mga gulay na ito, mapapansin din ang napakaraming bulaklak na itinanim ng mag-asawa noong nagsimula ang pandemya. Sa kabilang banda naman ng farm makikita ang kanilang mga alagang manok, turkey, at baka.
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Sa dami ng kanilang mga pananim at mga alagang hayop, masasabing sulit naman ang lahat ng nagastos ng mag-asawa rito. Umabot umano sa PhP3.5 million ang kanilang nagastos para sa pagbili ng unang parte ng kanilang lupa samantalang PhP2 million naman ang kanilang nailabas na pera sa pagpapagawa ng kanilang farmhouse.