Connect with us

Inspiring

“We decided na dito na lang tumira dahil nakaka-relax” Pamilya, Nagdesisyon na Permanenteng Manirahan nalang sa Bahay Kubo na Ipinagawa nila sa Laguna na Plano lang sana nila Gawing Bakasyunan noon

Nang ang pandemya ay lumaganap sa ating bansa, ay marami nga sa atin ang naging limitado ang paglabas ng ating mga tahanan, lalo na sa mga bata at matanda na mas madali makapitan ng naturang virus. At dahil dito, ang iba nga sa atin na naninirahan sa lungsod, ay mas pinili na umuwi na muna sa probinsya, sapagkat doon ay mayroong bakuran ang bawat tahanan kung saan maaring makalabas at maka-langhap ng sariwang hangin, at tila nga mas normal ang buhay kahit na may krisis.

May iba din na pinili na magpagawa ng kanilang bahay-bakasyunan sa probinsya, upang pansamantala ay doon manirahan habang hindi pa nga nagbabalik sa normal na pamumuhay dahil sa krisis na ating kinahaharap. Ngunit tunay na nakaka-engganyo ang buhay sa probinsya, dahil maliban sa malaya kang nakakapagliwaliw sa bakuran ng iyong tahanan, ay marami ka pang maaring magawa at mapaglibangan, tulad ng pagtatanim. Nakakaengganyo din ang sariwang hangin na iyong nalalanghap at ganun din ang magandang tanawin na sasalubong sa pagmulat ng iyong mga mata.

Ganito ang naging paglalahad ng netizens na si Jorenjoy Malaran-Guevarra na ngayon ay masaya at payapa na namumuhay sa probinsya sa Laguna kasama ang kanyang pamilya. Sa Facebook group na Home Buddies ay inilahad nga niya ang kasiyahan sa buhay nila ngayon sa probinsya kung saan ay kanya ding ibinida ang ipinagawa ng mga magulang niya na ‘Modern Bahay Kubo’ na magsisilbi lamang dapat nilang bahay-bakasyunan, ngunit ngayon ay dito na nga sila tuluyang nanirahan.

Photo credits: Jorenjoy Malaran-Guevarra | Facebook

“Three months po ito bago natapos. Naisipan po ng Mama at Papa ko na magpatayo ng kubo para may presko kaming bakasyunan sa Laguna until we decided na dito na lang tumira dahil nakaka-relax, tahimik, mahangin, at malilim”, ani Jorenhoy sa SmartParening.com.ph.

Saad pa niya, maliban sa kanyang mga magulang ay kasama niya ring naninirahan ngayon sa naturang kubo ang kanyang asawa at kanilang anak.

Photo credits: Jorenjoy Malaran-Guevarra | Facebook

Sa ibinahaging larawan ni Jorenjoy ay makikita na ang kanilang kubo ay tulad din sa mga tipikal na bahay-kubo na ating nakikita sa mga larawan sa aklat, ang pagkakaiba nga lamang nito ay mas pina-moderno nila ang hitsura nito at ang ginamit na mga materyales sa pagawa nito ay mga ‘durable materials’ para siguradong kakayanin nito ang mga bagyong dadaan at para tumagal din ito ng mahabang panahon.

Photo credits: Jorenjoy Malaran-Guevarra | Facebook

Ayon din kay Jorenjoy, talagang na-i-enjoy nila ng kanyang pamilya at mga magulang ang paninirahan nila sa kanilang modern bahay kubo, lalo na nga’t mayroon silang malawak na bakuran at dito ay nakapagtatanim sila ng mga halaman at puno.

Makikita nga na ang bahay kubo nina Jorenjoy sa labas ay tila tipikal na bahay kubo ang hitsura, ngunit pagpasok nga sa loob nito ay kamamanghaan ito dahil sa pagiging malinis, maaliwalas at minimalist nito.

Photo credits: Jorenjoy Malaran-Guevarra | Facebook

Mayroon itong maliit na kusina, at parang mini bar counter na nagsisilbi ding dining area, dahil maari kang umupo sa mga barstools.

Photo credits: Jorenjoy Malaran-Guevarra | Facebook

May bathroom area din nga sila dito na tila bathroom sa isang kongkretong bahay dahil sa ganda nito at kumpleto din ito sa mga modern fixtures at accessories.

Photo credits: Jorenjoy Malaran-Guevarra | Facebook

Kahit nga sawali ang dingding ng kubo na ito nina Jorenjoy, ay isa sa mga nagpa-modern look naman dito ay ang mga sliding glass windows nito.

Photo credits: Jorenjoy Malaran-Guevarra | Facebook

Ang ama ni Jorenjoy na si tatay Rene ang nanguna sa proyekto nilang ito na modern bahay kubo, kung saan ito nga ang naghanap ng mga mahuhusay na trabahador. Ayon din kay Jorenjoy umabot sa halagang Php500,000 ang nagastos nilang pamilya sa pagpapagawa ng kanilang modern bahay kubo.

Narito naman ang inihayag na payo ni Jorenjoy para sa mga nagnanais na magpagawa ng sarili nilang tahanan.

“For those who want to build their own home at this time, it’s important that you’re financially and emotionally ready”, ani Jorenjoy.

Dagdag pa niya, “Make sure you’re ready with ideas and use your imagination like Mama and Papa. Dapat matibay at maaliwalas tingnan.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved