“Sa sobrang bored ng husband ko sa bahay, nag-renovate na naman siya”: Tingnan ang Naging Resulta ng DIY Project ng Mister na Ito

Napakaraming tao ang pinilit na maging produktibo noong kasagsagan ng pandemya. Ang ilan nga sa kanila ay nagkaroon ng malalaking proyekto gaya nina Carmela Bustos at ang kaniyang asawa na si Jun. Sa katunayan, ang proyektong ito ay dala umano ng kabagutan ni Jun. Kwento nga ni Carmela sa kaniyang Facebook post, “Sa sobrang bored ng husband ko sa bahay, nag-renovate na naman siya. Seventy percent halos DIY niya lang like mga ilaw, pinto sa CR and etc.”

Photo credits: Carmela Bustos | Facebook

Dati raw na isang kusina ang 42 sqm. loft-style tiny home na ito. Nagkaroon sila ng pagkakataon na ayusin ito noong February 2021. Ayon kay Carmela, pinalakihan nila ang itaas na bahagi ng tiny house upang makapaglagay sila ng kabinet para sa kanilang mag-asawa.

Photo credits: Carmela Bustos | Facebook

Nagkaroon din sila ng 55″ smart TV at pinalitan nila ang kanilang lumang sofa bed. Pinaganda rin nila ang iba pang bahagi ng bahay.

Photo credits: Carmela Bustos | Facebook

Photo credits: Carmela Bustos | Facebook

Isa nga sa kapansin-pansing elemento ng bahay ay ang mga kagamitang gawa sa kahoy. Bagay na bagay rin dito ang kulay abo na wallpapers sa iba’t ibang bahagi ng bahay.

Photo credits: Carmela Bustos | Facebook

Pagdating naman sa kusina, simple lamang ito ngunit kapansin-pansin ang moderno nitong disenyo. Nagkaroon din sila ng karagdagang storage spaces para sa ilang kagamitan at appliances. Maging ang espasyo sa hagdan ay ginawa rin nilang storage space.

Photo credits: Carmela Bustos | Facebook

Gaya naman ng ilang parte ng bahay, makikita pa rin sa comfort room ang mga mwebles na gawa sa kahoy. Ayon kay Carmela, may kamahalan ang naging renovation ngunit masasabing sulit naman ito dahil sa laki ng naging pagbabago ng kanilang tiny house.

Photo credits: Carmela Bustos | Facebook

Kwento ni Carmela, pinili nilang hindi humingi ng tulong sa mga architects o engineers. Sa halip ay kumuha lamang sila ng inspirasyon mula sa palabas na Tiny House Nation. Mula rito, unti-unti silang naghanap ng mga kagamitan sa iba’t ibang online shops. Bukod sa marami ang pagpipilian dito, tiyak na napakadali rin ng pamimili rito.

Photo credits: Carmela Bustos | Facebook

Naghanap din sila ng mga laborers na siyang gagawa ng proyektong ito. Payo ng mag-asawa para sa mga taong nais kumuha ng mga laborers para sa kanilang proyekto, mahalagang pumili ng mapagkakatiwalaang tao.

Talagang napakaganda ng naging resulta ng DIY project na ito. Plano na ngayon ng mag-asawa na magdagdag ng ikatlong palapag para sa kanilang anak lalo na at lumalaki na raw ito at nangangailangan ng mas malaking espasyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *