Connect with us

Inspiring

Isang OFW, Ibinahagi ang Katas ng Apat na Taong Pagtatrabaho sa Middle East Matapos Makabili ng Sariling Lupa at Makapagpatayo ng Bahay

Isang Overseas Filipino Worker o OFW na kilala sa YouTube bilang Samantha Gapasin ang nagbahagi ng naging resulta ng kaniyang apat na taong pagtatrabaho sa ibang bansa.

Kwento niya, noong 2018 ay nakabili na siya ng lupa na may sukat na 250 sqm. sa halagang PhP450,000.

Photo credits: Samantha Gapasin Vlogs | Youtube

Nang sumunod na taon naman ay agad ding sinimulan ang konstruksyon ng kaniyang bahay. Gaya ng ilang OFW, pinili niyang ipakontrata na lamang ito. Katuwang din niya ang kaniyang nanay, tatay, at kapatid sa pamamahala ng konstruksyon na ito.

Photo credits: Samantha Gapasin Vlogs | Youtube

Mula sa mga litrato, makikita na talagang masaya rin ang kaniyang pamilya dahil sa bagong bahay na ito. Makikita din sa vlog ni Samantha na ilang buwan pa lamang ang nakakalipas ay unti-unti nang nagagawa ang iba’t ibang parte ng kanilang bahay.

Photo credits: Samantha Gapasin Vlogs | Youtube

Photo credits: Samantha Gapasin Vlogs | Youtube

Photo credits: Samantha Gapasin Vlogs | Youtube

Dagdag pa rito, ipinakita rin ni Samantha sa kaniyang vlog ang bawat hakbang sa konstruksyong ito, mula sa pagpapatayo ng mga pundasyon at mga palapag, hanggang sa paglalagay ng mga tiles at ang pagpipintura ng bahay. Ibinahagi rin niya ang mga litrato ng mga kabinet at mwebles na inilagay sa kusina at bar.

Photo credits: Samantha Gapasin Vlogs | Youtube

Photo credits: Samantha Gapasin Vlogs | Youtube

Buwan ng Mayo noong 2019 nang ganap na matapos ang pagpapagawa ng kanilang bagong bahay.

Photo credits: Samantha Gapasin Vlogs | Youtube

Moderno ang napiling disenyo para sa bahay na ito. Makikita sa unang palapag ang living area na talagang perpekto para makapag-bonding si Samantha kasama ang kaniyang pamilya at mga kaibigan.

Makikita rin sa parehong palapag ang dining area at kusina. Bagamat simple lamang ang disenyo ng mga silid na ito, masasabing komportable naman dito ang buong pamilya ni Samantha.

Photo credits: Samantha Gapasin Vlogs | Youtube

Photo credits: Samantha Gapasin Vlogs | Youtube

Photo credits: Samantha Gapasin Vlogs | Youtube

Kapansin-pansin naman na naglaan sila ng maliit na espasyo sa hagdan para sa isang maliit na altar.

Sa ikalawang palapag naman makikita ang master’s bedroom at ang kwarto para sa kapatid ni Samantha. Ayon pa sa kaniya, bukod sa mga ito ay mayroon ding isang kwarto sa unang palapag ng bahay. Mayroon din itong balcony at porch kung saan maaaring makapagpahinga ang kaniyang buong pamilya.

Photo credits: Samantha Gapasin Vlogs | Youtube

Photo credits: Samantha Gapasin Vlogs | Youtube

Photo credits: Samantha Gapasin Vlogs | Youtube

Ayon kay Samantha, umabot sa halagang PhP1,870,000 ang kaniyang nagastos para sa pagpapatayo ng kaniyang dream house ngunit umabot sa halos PhP3 million ang kaniyang nailabas na pera mula sa pagbili ng lupang kinatatayuan nito hanggang sa pagbili ng mga furnitures.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved