Connect with us

Uncategorized

Matapos ang Limang Taong Paninirahan sa Kanilang mga Magulang, Nakalipat na sa Wakas ang Pamilyang Ito sa Kanilang Napakagandang Tiny Bungalow House

Pangkaraniwan na para sa mga bagong mag-asawa na pansamantalang manirahan muna sa kanilang mga magulang habang sila ay nag-iipon para sa kanilang sariling bahay. Gaya ng mag-asawang ito, ilang taon din ang kanilang hinintay bago sila magkaroon ng sariling tahanan.

Kwento ni Ervi Zamora-Leyco, binata pa ang kaniyang asawa na si Nelson nang mabili niya ang bahay at lupa kung saan sila nakatira ngayon. Ang lupang kinatatayuan ng bahay ay may sukat na 120 sqm. samantalang ang mismong bahay ay may sukat na 40 sqm.

Nagpatayo rin sila ng karagdagang silid, comfort room, at dirty kitchen ngunit matapos nilang manirahan dito ng ilang araw, nagdesisyon silang pansamantalang manirahan kasama ang pamilya ni Nelson. Dahil dito, naghanap rin sila ng tenant na uupa sa tiny house na ito.

Photo credits: Ervi Zamora-Leyco | Facebook

Umalis rin naman ang mga tenant na ito matapos ang limang taon. Samantala, nalipat din si Nelson sa isang lokasyon na malapit lamang sa property na ito kaya naman nagdesisyon silang permanenteng manirahan dito.

Photo credits: Ervi Zamora-Leyco | Facebook

Dahil dito, nagdesisyon din si Ervi na iparenovate ang kanilang magiging tahanan. Moderno ang naging kabuuang disenyo ng bungalow at dahil maliit lamang ang espasyo ng bahay para sa apat na miyembro ng kanilang pamilya, isa sa mga naging pinaka-importanteng elemento nito ay ang storage spaces.

Photo credits: Ervi Zamora-Leyco | Facebook

Bilang may-ari ng Spacemaxer, talagang siniguro ni Ervi na hindi lamang maganda ang kanilang mga kabinets, makatutulong din ang mga ito upang maging mas organisado ang kanilang mga kagamitan.

Photo credits: Ervi Zamora-Leyco | Facebook

Bukod dito, kapansin-pansin din ang mwebles ng bahay gaya ng bench sa dining area. Talagang nakatipid ito sa espasyo at nakapagbigay rin ng karagdagang storage space.

Photo credits: Ervi Zamora-Leyco | Facebook

Pagdating naman sa kusina, makikita ang simple ngunit eleganteng disenyo nito.

Photo credits: Ervi Zamora-Leyco | Facebook

Photo credits: Ervi Zamora-Leyco | Facebook

Mayroon ding open layout ang bahay kaya naman madali na lang para kay Ervi na magtrabaho habang binabantayan ang kaniyang mga anak.

Photo credits: Ervi Zamora-Leyco | Facebook

Itinuturing naman na isang playroom at bedroom ang kwarto ng mga anak ng mag-asawa. Makikitang organisado ang kanilang mga kagamitan ngunit may sapat na espasyo pa rin para sa kanilang mga laruan. Mapapansin din ang isang indoor climbing wall dito.

Photo credits: Ervi Zamora-Leyco | Facebook

Bukod pa rito, maaari ding makapaglaro ang mga bata sa side yard ngunit plano nina Ervi na magkaroon ng isang vegetable garden sa hinaharap.

Photo credits: Ervi Zamora-Leyco | Facebook

Naniniwala sina Ervi at Nelson na talagang perfect timing ang kanilang naging paglipat. Bukod sa mayroon na silang sapat na budget ngayon, mayroon din silang sapat na kaalaman kung paano pagagandahin ang kanilang sariling tahanan.

Photo credits: Ervi Zamora-Leyco | Facebook

Payo nila sa mga pamilyang nais magkaroon ng sariling bahay, maaari nilang gawin ang kanilang plano para sa kanilang bahay basta’t pasok ito sa budget. Dagdag pa nila, “A tiny house doesn’t have to be restrictive.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved