Connect with us

Inspiring

Isang Single Mom Natupad na ang Pangarap na Makapagpatayo ng kanyang Container House kung saan nag DIY lang siya

Ang pagpapatayo ng dream house ay hindi biro, kinakailangan ito ng sapat na budget, tamang pagpaplano, magagaling na magtratrabaho at pagkonsulta sa mga propesyonal upang masiguradong matibay at nasusunod ang tamang proseso sa pagpapatayo ng bahay.

Trending ngayon sa social media ang mga container house kung saan ibat-ibang kahangahangang success story ang matutunghayan matapos nila maipatayo ang kanilang container house. Isa sa mga hinangaan ay ang single mom na si Kim Mazno na nag DIY ng kanyang pangarap na container house.

Kwento ni kim na nagtratrabaho siya sa isang container company for 15 years, at matagal niya ng pangarap na makapagpatayo ng isang container house dahil naiinspired siya sa mga napapanood niya at nababasa niya sa social media at youtube na kwento ng mga taong matagumpay na nakapagpatayo ng kanilang dream container house.

Halos ilang taon din na nagreresearch si Kim ng mga disenyo sa pinterest, nanonood ng mga video sa youtube patungkol sa container house para makakuha ng ideya at inspirasyon para sa paghahanda sa kanyang pangarap na container house. Pag wiwindow shopping online dahil naghahanap siya ng mga affordable items na pwede niyang ilagay sa kanyang future house.

Photo credits: Kim Manzo | Facebook

Bilang isang single mom, kailangan ni kim na masiguradong nasa budget ang kanyang ipapagawang container house kaya naman naghanap ito ng mga murang container house sa Port of Manila at noong 2019 nakabili ito sa halagang Php80k at gumastos naman sa shipping nito ng Php20k at Php10k naman sa boomtruck na magpwepwesto ng container sa paglalagyan nito.

Photo credits: Kim Manzo | Facebook

Photo credits: Kim Manzo | Facebook

Noong una aminado si Kim na kinakabahan siya sa kanyang proyekto na ito ngunit super excited naman siya sa magiging resulta nito. Hindi kumuha ng contractor si Kim, tanging 2 skilled workers lang at mangilan ngilan na labor ang kanyang kinuha upang gumawa ng kanyang container house.

Photo credits: Kim Manzo | Facebook

Photo credits: Kim Manzo | Facebook

Kumuha naman siya ng arkitekto para sa disenyo at halos lahat ng ibang gawain dito ay siya na ang gumawa katulad nalang ng pagpipintura sa interior.

Photo credits: Kim Manzo | Facebook

Photo credits: Kim Manzo | Facebook

Kwento ni kim na napilitan siyang ipatigil ang pagpapatrabaho noong pumutok ang Bulkang Taal at sinundan naman ito ng sunod-sunod na lockdown dahil sa pandemya, ngunit dahil sa pagpapahintong ito ni Kim nagkaroon siya ng oras upang makadagdag pa sakanyang ipon para sa pagpapagawa ng kanyang pangarap na container house.

Photo credits: Kim Manzo | Facebook

Inabot ng 9 na buwan ng mapaganda ng husto ni Kim ang bahay niyang ito at makumpleto ang kagamitan, 6 months naman ang itinagal ng konstruksyon nito kung saan lumipat din siya dito pagkatapos at siya na ang gumawa ng halos lahat ng kanyang plano sa loob ng bahay kaya naman nag resulta ito sa napakagandang disenyo na naaayon sa kanyang kagustuhan.

Photo credits: Kim Manzo | Facebook

Ibinahagi naman ni Kim na umabot sa Php1.2M hanggang Php1.5M ang kanyang nagastos dito kung saan malaki ang natipid niya dahil sa kanyang pag DIY. Kumuha lang siya ng mga propesyunal na Mason, Electrician at Architect at ilang mga helpers para ma-assist siya sa kanyang mga gustong gawin dito.

Photo credits: Kim Manzo | Facebook

Photo credits: Kim Manzo | Facebook

“I DIY-ed all interior paintings of the walls up to the ceiling. I also painted the toilet and bath area, and DIY-ed my bedroom to make it pretty and comfy. I was the one who painted my son’s room too, to make it the way he wanted.” – pagbabahagi ni Kim.

Photo credits: Kim Manzo | Facebook

Photo credits: Kim Manzo | Facebook

Sobrang saya naman ni Kim na finally ay natupad niya na ang kanyang pangarap na container house kung saan isa ito sa kanyang greatest achievement.

“Seeing the house turn into the home I envisioned and dreamed about for a long time is very fulfilling. I feel this great sense of achievement every time I look at my home and I reminisce on the days when I started “building” it.

I did a great job! I thank God for all the blessings even in the challenging times. He is really good.”

Photo credits: Kim Manzo | Facebook

Isa si Mommy Kim sa mga patunay na basta may pangarap walang imposibleng matupad basta sipagan lang at tiyagain at manalangin siguradong matutupad lahat ng mga pinangarap.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved