Connect with us

Inspiring

Isang Anak Niregaluhan ng Isang Napakaganda at Napaka aliwalas na Tropical House ang Kanyang mga Magulang

Sa pagpapatayo ng isang bahay, karaniwang isinasaalang-alang ang iba’t ibang bagay gaya ng klima at lokasyon dahil mula rito, pinagpaplanuhan nang mabuti ang mga disenyo at materyales ng tahanan upang masiguro ang pagiging komportable ng mga maninirahan dito.

Ito rin ang mga naging konsiderasyon ng designer na si Marvin Oloris sa kaniyang pagpapatayo ng isang modern tropical house para sa kaniyang mga magulang.

Kwento ni Marvin, limang buwan din ang hinintay ng kaniyang mga magulang para sa bahay na ito. Dagdag pa niya, tumulong din nang husto ang kaniyang mga magulang sa pagpaplano nito.

Photo credits: Maro Ortega Design

Photo credits: Maro Ortega Design

Maraming naibigay na ideya at suhestiyon ang kaniyang nanay at tatay sa loob ng isang buwang pagpaplano ng kanilang pamilya. Siniguro nila na magiging komportable ang mga taong maninirahan dito kaya naman kumuha sila ng inspirasyon mula sa mga canopy trees.

Photo credits: Maro Ortega Design

Mula rito, napagkasunduan nila ang tropical-inspired na disenyo ng bahay na perpekto rin naman sa mainit na klima ng Pilipinas.

Kung noong una ay isa lamang itong bungalow na mayroong kusina, palikuran, at gym, ngayon ay napagdesisyunan nilang magdagdag ng ikalawang palapag kung saan makikita ang mga karagdagang silid para sa kanilang mga bisita. Plano rin nilang magkaroon ng isang entertainment room dito.

Photo credits: Maro Ortega Design

Photo credits: Maro Ortega Design

Photo credits: Maro Ortega Design

Photo credits: Maro Ortega Design

Bukod sa mga silid na ito, siniguro din nila ang open layout ng tropical house upang mas madaling makapunta ang mga magulang ni Marvin mula sa kanilang bahay papunta sa tropical house na ito. Kakaiba rin ang extension ng bubong ng bahay. Dahil dito, talagang maaaring makapagrelax ang pamilya sa kanilang outdoor dining space.

Photo credits: Maro Ortega Design

Gaya naman ng ibang mga bahay, gumamit din sila ng bakal at kahoy. Pinili rin nilang gumamit ng jalousie bilang bintana ng bahay dahil ayon sa designer nito, mas nababagay ito sa klima ng bansa.

Photo credits: Maro Ortega Design

Nakatutulong din ito upang maging mas maliwanag ang buong bahay. Dumagdag din sa kagandahan ng bahay ang mga artificial grass na makikita sa balcony kaya naman lalo rin itong naging perpekto bilang tambayan ng kanilang pamilya at mga bisita.

Photo credits: Maro Ortega Design

Masasabing hindi lamang maganda at kakaiba ang arkitektura ng bahay na ito. Komportable rin ito para sa pagtitipon at salu-salo ng pamilya at mga bisita ni Marvin.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved