Connect with us

Story

42 Taon na ang Nakalipas ng Maghire ang Isang Negosyante ng Yaya, Ngunit ang Hindi Niya Alam, Isa Palang Prinsesa ang Kanyang Nakuhang Yaya na Pinapasahod niya ng $5 dolyar kada Oras

Marahil hindi lahat ay kilala ang isang Diana Spencer lalo na ang mga bagong henerasyon ngayon. Kinilala si Diana Spencer noong nabubuhay pa ito bilang the Princess of Wales, The People’s Princess, at ina ni Prince William at Harry ng Bansang Inglatera.

Kahit na naging maikli ang buhay ni Princess Diana, ay minahal siya ng madaming tao dahil sa pagiging mapagpakumbaba nito, at pagiging mabait sa kapwa na talagang tumatak sa mga tao.

Pero alam niyo ba na bago maging isang royalty at isa sa pinaka influential na personalidad ng 20th century, ay minsang nagtrabaho si Princess Diana bilang part-time yaya na kumikita ng $5 dolyar kada oras.

Taong 1980 ng maging yaya ang teeneger pa noong si Princess Diana sa anak ng isang businesswoman na nagngangalang Mary Robertson.

Photo credits: google.com

Ayon sa kwento ng negosyanteng si Mary Robertson, nangailangan siya noon ng tao na magbabantay sa kanyang anak, dahil wala umano siyang mapagiiwan dito habang siya ay nagtratrabaho, kaya naman tumawag ito sa isang local agency upang maghire ng yaya.

Pinadala ng Agency na ito ang isang 18 years old na dalaga na si Diana Spencer. Kwento ni Mary Robertson na nagpapartime sakanya si Diana ng tatlong araw sa isang linggo, at nursery teacher naman sa kanyang natitirang apat na araw sa isang linggo.

Ayon kay Mrs. Robertson na ang teenager noon na si Diana ay tahimik lang at mahiyain, ngunit ito ay talagang masipag dahil madalas niya itong nakikita na naglalaba, naglilinis ng mga laruan ng kanyang anak at kung minsan pa nga ay nag huhugas ng mga pinagkainan.

“Fell in love with her, she would do the laundry, pick toys, and wash dishes.” Pagbabahagi ni Mrs. Robertson.

Walang kaalam alam umano noon si Mrs. Robertson na ang kanyang nahire pala na yaya ay galing sa isang royal family na may long line of royal ancestry.

Natuklasan niya lang na isa palang royalty ang kanyang nakuhang yaya ng may makita siya na isang deposit slip na pagmamay-ari ni Diana na natagpuan nya sa ilalim ng kanyang sopa, kung saan ang deposit slip na ito ay direkta sa Coutts and Company, isang banko na eksklusibong nag cacater sa mga aristocrat at sa royal family sa bansang inglatera.

Nalaman ito ni Mrs. Robertson dahil may ilang taon din ito na experience sa pagtratrabaho sa finance.

Agad naman niyang tinanong si Diana, ngunit wala masyadong reaksyon ang prinsesa at nagpaalam lang ito kay Mrs. Robertson kung pwede silang lumabas ng anak ni Mrs. Robertson na si patrick upang maglibot libot at mamasyal.

Ngunit makalipas ang ilang buwan, nagulat nalang si Mrs. Robertson ng mabalitaan niya sa dyaryo at telebisyon na ang kanyang nakuhang yaya na si Diana ay engage na sa future King ng Inglatera. Dito na nagsimulang magsulputan ang mga reporter at photographer sa kanyang bahay.

Pero bago pa mabulabog ang buhay ni Mrs. Robertson dahil sa mga nagsulputang reporters at photograpers, namaalam na si Diana sa kanyang amo na ito ay aalis na sa kanyang trabaho dito.

Sunod na nakita nalang ni Mrs. Robertson si Diana ay ikinakasal na kay Prince Charles sa isang royal wedding.

Akala noon ni Mrs. Robertson na hindi na niya makakausap si Princess Diana, ngunit sa loob ng 16 taon, nagpalitan sila ng mga cards at letters at patuloy na nagkakamustahan.

Ngunit taong 1997 ng isang masamang balita ang gumulantang sa mundo at kay Mrs. Robertson ng mabalitaan nilang pumanaw na si Princess Diana dahil sa isang car accident.  Milyong tao ang nagluksa sa pagkawala ni Princess Diana at isa na dito si Mrs. Robertsona na talagang nasaktan ng husto sa pagkawala ng kanyang naging hinangaan na dating empleyado at iniidolo.

 

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved