Connect with us

Inspiring

Nagiiwan ang Dalawang Service Crew na ito ng Love Letter sa Locker ng Isat-isa na Nakasulat sa Tropical Hut Napkin 29 taon na ang Nakalipas, Tunghayan ang Kanilang Love Story dito

Kinakikiligan ngayon ng mga netizens ang love story ng mag-asawa na ito na nabuo sa isang fast food chain na Tropical Hut. Ayon sa mag-asawang sina Bong at Romina Landicho, habang sila ay nag-aaral sa kolehiyo noong dekada ’90, pareho silang naging crew ng fast food chain na Tropical Hut at nagsimula nga ang kanilang relasyon sa munting palitan ng love letters na nakasulat sa simpleng paper tissues ng restaurant.

Kwento ng mag-asawa, minsan lamang nagtutugma ang kanilang iskedyul sa trabaho. Nagsisimula lamang ang shift ni Bong tuwing nagtatapos ang trabaho ni Romina ngunit mayroong isang pagkakataon kung saan sabay na nakapagtrabaho ang dalawa.

Photo credits: news.abs-cbn.com

Napansin umano ni Romina na masama ang pakiramdam noon ni Bong kaya naman minabuti niyang bigyan ito ng gamot. Mula noon, nahulog na ang loob ni Bong kay Romina dahil sa kabutihan at kagandahan nito.

Photo credits: news.abs-cbn.com

Ngunit bago pa man magsimulang manligaw ang noo’y binata na si Bong, nagustuhan rin siya ng isa nilang katrabaho kaya naman minabuti niyang sabihin dito na nililigawan na niya si Romina.

Dito na nga sila sinimulang tuksuhin ng kanilang mga katrabaho. Ngunit dahil magkaiba ang iskedyul ng kanilang trabaho at hindi pa maaaring makapag-text noon, isinusulat na lamang ni Bong ang kaniyang love letters sa table napkins ng restaurant. Sa ganitong paraan din naman isinusulat ni Romina ang kaniyang mga sagot kay Bong. Nagtitiyaga ring bumisita si Bong sa tahanan ni Romina.

Photo credits: news.abs-cbn.com

Photo credits: news.abs-cbn.com

Matapos naman ang isang linggong panliligaw ni Bong, opisyal na naging magkasintahan ang dalawa sa araw mismo ng kaarawan ni Romina. Ayon kay Romina, isa sa mga nagustuhan niya kay Bong ay ang pisikal nitong katangian.

Higit pa rito, masaya rin umanong kasama ang binata. Bagamat mukhang masaya ang naging relasyon ng dalawa, nagkaroon ng pagkakataon kung saan pinaghihiwalay ang magkakatrabaho na mayroong relasyon. Dahil dito, minabuti ng dalawa na pansamantalang itago ang kanilang relasyon habang sila ay nagtatrabaho.

Photo credits: news.abs-cbn.com

Photo credits: news.abs-cbn.com

Hindi nagtagal, nakapagtapos na sa pag-aaral si Romina sa kaniyang kursong Education. Sa ika-limang taon naman ng pag-aaral ni Bong sa kaniyang kursong Electronics and Communications Engineering, nagkaroon na sila ni Romina ng anak at dito na nila sinimulan ang pagbuo ng isang pamilya bilang mag-asawa.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved