Connect with us

Inspiring

Isang Madiskarteng Mommy, Nagnegosyo ng Fishball Sauce, Kumikita na ngayon ng Php30,000 sa Isang Linggo

Unti-unting nakikilala ngayon ang isang street food business dahil sa napakaraming produkto na ibinebenta rito. Isa na nga sa mga ito ang kilalang fishball sauce. Sa likod ng patok na patok na fishball sauce na ito ang Mommy Tin’s Home Kitchen.

Ayon sa may-ari nito na si Tin Clemente-Dionglay, kinahihiligan na niya ang street food noon pa man. Bukod sa mismong street food, hindi mawawala ang kapares nito na fishball sauce. Dahil dito, nagsimula siyang manaliksik kung paano ito gawin.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube 

Mula noon, nagustuhan na rin ng kaniyang mga kaibigan ang sauce na ito kaya naman nagdesisyon siyang magbenta na lamang ng produktong ito para makatulong na rin sa pinansyal na pangangailangan ng kanilang pamilya.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube 

Kwento ni Tin, bago pa man siya pumasok sa pagbebenta ng fishball sauce, isa na siyang reseller ng iba’t ibang produkto. Inipon niya ang kinikita niya rito at ito na nga ang ginamit niya bilang kapital para sa papasuking negosyo.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube 

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube 

Sa halagang Php5,000, una siyang nag-invest sa mga kagamitan na kailangan sa paggawa ng sauce. Nagsimula na rin ang pagbebenta nina Tin sa kanilang subdivision. Ibinebenta niya ang isang bote ng fishball sauce sa halagang Php100 samantalang ang samalamig syrup naman ay nagkakahalaga ng Php150. Mabibili rin dito ang iba’t ibang garlic products at lumpia na ayon kay Tin ay mula sa recipe ng kaniyang nanay.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube 

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube 

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube 

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube 

Dahil sa kalidad na produktong ibinebenta ni Tin, kumikita na sila ngayon ng Php30,000 sa isang linggo. Tumatanggap na rin sila ng orders para sa mga kasal at corporate events.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube 

Bagamat maayos naman ang naging takbo ng kaniyang maliit na negosyo, mayroon din siyang kinaharap na mga pagsubok. Isa na nga rito ang kakulangan ng mga tauhan. Ayon sa negosyante, dalawa lamang ang staff na tumutulong sa kaniya kaya naman kinailangan niyang simulan ang kaniyang araw nang maaga. Katuwang din niya ang kaniyang asawa sa ibang gawain para sa negosyong ito.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube 

Dahil rito, bagamat naging hands-on ang mag-asawa sa kanilang maliit na negosyo, nahahati naman ang kanilang oras para sa kanilang pamilya. Dagdag pa rito, wala umanong masyadong kaalaman si Tin pagdating sa pagnenegosyo kaya naman pinapairal na lamang niya ang kaniyang pagiging malikhain. Kaugnay nito, payo ni Tin sa mga nais magkaroon ng negosyo,

“Don’t be afraid to take risks kasi wala namang madali sa umpisa.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved