Connect with us

Inspiring

Kahanga hangang Lalaki, Inspirasyon sa Social Media ng Ibahagi ang Kanyang Kwento Kung Bakit nga ba mas Pinili niyang Pakasalan ang Isang Single Mother

Pagdating sa pag-aasawa ay isa ang bansang Pilipinas sa mga konserbatibong bansa, lalo na kung ang pinaguusapan ay ang pag-aasawa ng single mom. Madalas na huhusgahan ang mga single mom lalo na kung ang lalaki na kanilang nakarelasyon sa pangalawang pagkakataon ay isang binata at maganda ang hanap buhay.

Para sa mga ganitong sitwasyon ay madalas naririnig ang mga kataga na “Madami naman jang single bakit sa single mom pa.”

Totoong mahirap magkaroon ng instant na anak, dahil instant responsibilidad din ito para sa isang binata, may mga sitwasyon din na mahirap makasundo ang mga anak ng babae sa ibang lalaki kung ito ay may mga edad na.

Pero para sa binatang si Kimark Futalan ay hindi naging issue sakanya na may anak ang kanyang pinakasalang babae bagkus ay proud pa sya na ang kanyang iniharap sa altar upang pakasalan ay isang single mom na may dalawa ng anak.

Photo credits: Angel Futulan | Facebook

Nagviral sa social media ang naging post ni Kimark, kung saan ibinahagi niya ang naging love story niya at ng single mom na asawa na niya ngayon.

Kwento ni Kimark na nagkakilala sila ng kanyang asawa na ngayon na si Sofhia Angela “Angel” Tido Garcia sa Facebook sa isang online business kung saan parehas silang na-iscam at halos naubos ang savings ni Kimark matapos silang maloko sa online business na ito, ngunit kahit pa ito ang kanilang naging karanasan, masaya parin si Kimark dahil dito niya nakilala si Angel.

Nagtratrabaho noon bilang domestic heper si Angel sa Saudi, at ibinahagi ni Angel na broken hearted siya noon mga oras na iyon at tanging si Kimark lang ang kanyang pinagsasabihan ng kanyang mga problema. Nalaman din ni Kimark na may dalawang anak na si Angel, pero imbis na maturn-off ay mas hinangaan at nagustuhan dahil bilang isang single mom ay naitataguyod nito ang dalawang anak.

Hindi namalayan ng dalawa na nagkakagustuhan na pala sila at binuksan ni Angel ang kanyang puso kay Kimark kahit hindi pa sila nagkikita at tanging sa social media lang sila nagkakausap. Pero bago niya sinagot si Kimark, sinigurado muna ni Angel na kung ang intensyon ba ng binatang si Kimark ay kasama ang dalawang anak niya dito. Binigyan niya ito ng tatlong challenge kung saan ang unang tanong ni Angel ay kung mahal nya ba talaga ito at ang naging sagot ni Kimark ay isang mahabang public post sa social media kung saan nakalagay dito kung gaano niya kamahal si Angel.

Pangalawa namang challenge ni Angel kay Kimark ay ang kilalanin nito ang kanyang pamilya at mga anak, kung saan bago pa sila magkita ng personal ni Angel ay mas una pa niyang nakasama ang pamilya nito at dalawang anak. Madalas pumupunta si Kimark sa bahay nila angel upang bantayan at alagaan ang mga anak nito at napalapit naman agad ang loob ng mga bata kay Kimark.

Photo credits: Kimark Futalan | Facebook

Para mas patunayan ni Kimark na tanggap niya si Angel at ang kanyang dalawang anak, ay ginawang profile picture ni Kimark ang dalawang anak na lalaki ni Angel.

Ang huli naman na challenge ni Angel kay Kimark ay ang tanong na kung kaya niya ba itong mahintay hanggang sa paguwi. Ito naman ay walang pagaatubiling ginawa ni Kimark, at paguwi ni Angel, pinakasalan niya naman agad ito ng walang pagaalinlangan.

Photo credits: Kimark Futalan | Facebook

Ayon kay Kimark na pinost niya ito dahil gusto niyang tibagin ang mga negatibong komento at pagiisip ng mga tao sa mga single mom, lalo na dun sa mga single mom na nagtratrabaho ng mabuti upang mabuhay lang nila ang kanilang mga anak, kaya eneencourage ni Kimark na huwag ikahiya ang mga single mother at mahalin ng totoo ang mga ito dahil deserve nila ang mahalin at alagaan.

Photo credits: Kimark Futalan | Facebook

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved