Connect with us

Inspiring

“Simple lang na up and down. Basta gusto ko ‘yong pamilya ko kasama ko.” Empoy Marquez, Ipinasilip ang Bunga ng Kanyang mga Pinaghirapan

Kinilala si Empoy sa industriya ng showbiz dahil sa kanyang natural na talento sa pagpapatawa. Naging sunod sunod ang proyekto ng komedyante dahil nakitaan ito ng malaking potensyal. Ngunit bago mag-artista si Empoy ay sumabak muna siya sa pagbabanda.

Matatandaan na noong 1999 naging bokalista ang komedyante ng bandang Atari Teenage Riot, naging parte din si Empoy ng bandang Test Tube Babies, Banana Mango, at SKAbache, kung saan naging percussionist siya dito noong 2001.

Photo credits: Empoy | Instagram

Unang sumikat ang komedyante matapos itong mapasali sa pelikulang Mr. Suave na binidahan ni Vhong Navarro noong 2003, hanggang naging Co-host naman ito at performer sa sikat na noon time show ng ABS-CBN na magandang tanghali bayan.

Sunod sunod na ang naging proyekto ng aktor hanggang noong 2017 ay nakuha nito ang bida role bilang si Tonyo sa movie hit nila ng nakapartner na si Alessandra De Rossi na pinamagatang ‘Kita Kita’ na shinoot pa sa napakagandang bansang Japan.

Photo credits: google.com

Dahil sa pagsusumikap ni Empoy, nakapagpundar na ito ng mga ari-arian kagaya ng condomium niya na nabili sa Quezon City na nagsisilbi niyang tirahan sa syudad kapag siya ay may mga project dito.

Nakabili din ng lupa ang komedyante at nakapagpatayo ng 2storey house sa bulacan na nagsilbi niyang regalo para sakanyang pamilya. Dito din siya umuuwi kapag siya ay nagbabakasyon at wala siyang tapings.

Photo credits: Empoy | Instagram

Naging inspirasyon naman ng aktor ang kanyang pamilya at ayon dito lahat ng kanyang paghihirap ay para mabigyan niya ng komportableng pamumuhay ang pamilya. Ibinahagi din niya ang kanyang ideal house,

“Simple lang na up and down. Basta gusto ko ‘yong pamilya ko kasama ko.”

Tapos, kunwari may laruan sa loob, basktbolan sa loob, gano’n, may bukid, tapos overlooking view. Makikita yong bukid mula sa bahay.”

Photo credits: realliving.com.ph

Samantala ipinasilip naman ni Empoy ang kanyang bahay kung saan makikita sa labas na napapalibutan ito ng mga halaman. Pagpasok naman sa loob unang bubungad ang kanyang maaliwalas na sala na may Lshaped na couch.

Photo credits: realliving.com.ph

Malapit sa kusina ay may maliit naman na table si Empoy para sa kanyang mga Sto. Nino, Mama Mary at picture frame ni Papa Jesus.

Photo credits: realliving.com.ph

Makikita din sa kanyang sala ang kanyang telebisyon at napakaraming speakers.

Photo credits: realliving.com.ph

Ipinasilip din ng komedyante ang kanyang simpleng kusina na may simpleng disenyo at katabi naman nito ang kanyang dining area na may napakaganda ding disenyo, mapapansin din ang wall stickers dito kung saan may nakalagay na ‘A bottle of Wine’.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Sa kwarto naman ni empoy makikita ang napakasimple nitong higaan kung saan isa lang sofa bed, makikita din dito ang isang flat screen, ang kanyang bike, maliit na upuan at lamesa at isang mini sofa.

Photo credits: realliving.com.ph

Makikita din ang ilan sa mga koleksyon ni empoy ng kanyang mga comics at old CD’s.

Photo credits: realliving.com.ph

May sarili naman balcony ang kwarto ni Empoy kung saan dito siya madalas nag rerelax at nag uunwind.

Photo credits: realliving.com.ph

Malayo narin ang narating ni Empoy pero nananatili siyang humble at laging nagpapasalamat sa lahat ng biyayang dumarating sa kanyang buhay.

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved