Connect with us

Inspiring

Isang Responsableng Ama, Inspirasyon sa Marami Matapos Makitang Patuloy ang Pagtratrabaho Kahit Kargakarga ang Kanyang Anak

Bilang magulang lahat ay gagawin nila upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Lahat ng pagsasakripisyo ay kanilang ginagawa upang matugunan at maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Kaya’t sila ay nagtatrabaho ng mabuti para may panggastos sa bawat araw na pamumuhay.

Higit sa lahat ang pamilya ay nagtutulungan sa hirap man at sa ginhawa. Sa ating pamayanan na ginagalawan, sanay tayong ang ina ang nagaalaga sa kanyang mga anak, ngunit sa kwentong ito mapupukaw ang pananaw natin kung paano ginagampanan ng isang ama ang kanyang responsibilidad sa kanyang pamilya.

Sa isang lugar na bahagi ng Puerto Princesa Palawan, may isang ama ang nag-viral dahil sa pag-aalaga nito sa kanyang anak habang siya ay nagtatrabaho. Ang lalaking ito ay si Vinz Manalo Bobo, siya ay isang kusinero sa Palawan Adventist Hospital.

Photo credits: Vinz Manalo Bobo | Facebook

Ayon kay Vinz, dinala niya ang kanyang anak upang siya na lang mag-alaga nito dahil sa kadahilanan na rin na ang kanyang asawa ay pupunta sa klinika upang dalhin ang kanilang anak na sanggol pa lamang.

Kaya nagdesisyon siya na dalhin na lamang ang isa niyang anak sa kanyang trabaho. Ang kanyang anak ay nakalagay sa isang baby carrier na nakakabit sa kanyang likuran. Kaya dala-dala niya ito kahit saan siya magpunta.

Photo credits: Vinz Manalo Bobo | Facebook

Ibinahagi ni Vinz sa kanyang facebook ang nakunan na larawan nilang mag-ama. Maraming netizen ang naantig ang puso dahil sa sakripisyong kanyang ginawa bilang isang magulang. Itong post ni Vinz, ay naging inspirasyon para sa mga magulang na nagsusumikap na magtrabaho para sa kanilang pamilya.

Photo credits: Vinz Manalo Bobo | Facebook

Nakikita kay Vinz kung paano niya ginampanan ang kanyang pagiging isang mapagmahal na ama. Pinaramdam niya sa kanyang anak na kailangan niyang magtrabaho upang may pambili sila ng pagkain.

Photo credits: Vinz Manalo Bobo | Facebook

Umani ng maraming papuri si Vinz sa facebook, ngunit mayroon din namang mga netizen na nagalala dahil nga sa hindi ligtas na lugar ito para sa kanyang anak. Ngunit sa kabilang banda, marami pa rin ang mga taong pumuri sa kanya sa kabila ng uri ng kanyang trabaho ay nagawa niya pa rin ito. Siya ang magpapatunay kung paano magmahal ang isang magulang para sa kanyang anak.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved