Connect with us

Inspiring

Isang Pamilya Bumili ng 8 Hectares na Lupain sa Halagang 100 per Sqm at Ginawa itong Napakagandang Vacation Farm na may mga Tiny, Tree, Glass Houses

Sa isa sa mga kabundukan ng Laguna matatagpuan ang isang napakagandang Farm House na maari bisitahin ng mga taong gustong makalayo sa maingay na lungsod at makapagrelax ng tahimik habang ninanamnam ang sariwa at malamig na simoy ng hangin. Makikita din dito ang makapagpigil hiningang view ng Pangil Laguna.

Sa latest video na ibinahagi ng Only Good Content (OG), ibinahagi ng farm owner na si Rey Luceno ang kanilang napakalawak na farm na pinatayuan nila ng hindi lang isa, ngunit limang tiny houses. Kwento ni Rey na swerte siya dahil nabili nila ng mura ang lupain ito na may kabuoang sukat na 8 hektarya. Nabili niya ito sa isang kaibigan niya sa halagang Php100 per sqm.

Photo credits: OG | Youtube

Noong una ay balak lang nila na gawin itong bakasyunan ng kanilang pamilya kaya naman noong una ay nagpatayo sila ng isang bahay kubo upang magsisilbing tuluyan ng kanilang pamilya kapag sila ay nagbabakasyon dito. Ngunit ng ipost umano ito ni Rey sa social media ay marami ang nagpadala sakanya ng menshae kung maari ba itong rentahan para bakasyonan.

Dito na nagdesisyon si Rey at ang kanyang pamilya na gawin itong Vacation Farm na bukas sa publiko na gustong makaranas ng relaxing vacation kasama ang pamilya.

Big Kubo

Unang ipinasilip ni Rey ang kaunaunahang bahay kubo na kanilang naipatayo na may outdoor kitchen. Pagbabahagi din ni Rey na sa lahat ng kanilang bahay na naipatayo sa farm na ito ay itong bahay kubo na ito ang may pinakamagandang view dahil kita dito ang Laguna Lake, Pililla windmills, mountain range, sunset at kahit pa ang ilaw sa syudad ng laguna.

Pagbabahagi naman ni Rey na ang mga materyales na ginamit nila sa bahay kubo nilang ito ay semento at kahoy.

Photo credits: OG | Youtube

Semento sa baba upang hindi anayin ang pondasyon at sa taas naman ay kahoy, bamboo at ratan sa furniture’s. Sa kubong ito ay may dalawang bedroom at common CR, may kapasidad ito na hanggang limang tao at papatak ng Php5,000 sa isang gabi kapag uupahan.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Farm Amenities 

Ayon kay Rey ang mga amenities na kanilang inilagay sa farm nilang ito ay camping ground, inhouse mini store para sa mga pangangailangan ng mga guest, bonefire area para sa pamilya na gustong magbonding habang nagluluto ng smores, at tsaka photo booth.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Tiny House

Sumunod na ipinasilip ni Rey ay ang kanilang tiny house na nasa ilalim ng silong ng mga puno na nakapaligid dito kaya naman napakalamig daw dito kahit tanghali lalo na pag gabi. Sa loob ng tiny house ay makikita ang simpleng disenyo pero kumpleto sa kagamitan.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Makikita din ang double deck, may sariling kusina, banyo. Ang tiny house naman daw na ito ay pinapaupahan nila sa dalawang tao.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Maari din daw magdala ng sariling pagkain ang mga gustong mag-stay dito dahil kumpleto naman ang kanilang kagamitan sa kusina. May maliit din itong dining table sa labas kung saan maaring magkape at kumain ang guest habang ninanamnam ang sariwang simoy ng hanging.

Photo credits: OG | Youtube

Tree House

Pangatlong ipinasilip naman ni Rey ay ang kanilang treehouse na literal na nakapatong sa puno. Ang mga punong ito na pinaglagyan nila ng tree house ay puno ng langka at mangga.

Photo credits: OG | Youtube

Mapapansin sa treehouse na ito nila rey ay mayroong mga manok sa ilalim dahil ayon sakanya mas nauna umano ang bahay ng mga manok dito kaysa sa treehouse pero balak din nila itong ilipat sa tamang lugar at malayo dito upang maiwasan ang mabahong amoy at malangaw na kapaligiran.

Pag-akyat sa treehouse unang bubungad ay ang simpleng kitchen at dining area. Pagpasok naman sa kwarto ay makikita ang maaliwalas na disenyo na nababalutan ng kulay puting pintura.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Kasya naman dito ang tatlong katao na pwedeng pwede maglatag sa papag ng banig o kutson. May sarili din itong terrace kung saan maaring makita ang napakagaandang view ng kapaligiran.

Glass House

Sumunod naman na ipinakita ni Rey ay ang kanilang glass house na malapit umano sa parking area. Ginawa talaga nila ito na malapit sa parking area para dun sa mga guest nila na may mga kasamang senior citizen upang hindi na mahirapan maglakad sa malayo. Pagbabahagi ni Rey na nakuha niya lang ang disenyo ng kanilang ipinagawang glasshouse sa pinterest. Mapapansin din ang isang logo ng anchor, ito daw ay ipinalagay ni Rey dahil simbulo daw ito ng kanyang propesyon bilang isang seaman.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Ginawa niya naman daw itong moderno ang istulo upang mafeel ng kanilang mga guest ang feeling na parang nasa condo lang sila pero paglabas ay napakatahimik at sobrang relaxing ang vibes.

Photo credits: OG | Youtube

Sa loob ng glass house ay makikita ang black and white na kulay na hango sa DC character na si Batman. 2 Bed Room naman ang kanilang glasshouse na ito na may sariling indoor bathroom. Sa mga gusto naman daw sumubok sa glasshouse nila na ito ay nagkakahalaga itong Php5,000 na kaya ng maaccomodate ang 5 katao.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Outdoor Kitchen, Dining Area and View Deck

Photo credits: OG | Youtube

Katabi naman ng Glass House ni Rey ay ang ongoing na ipinapagawa niya, ito ay outdoor kitchen at dining area at sa taas naman ay papalagyan niya ng view deck. Balak naman itong gawing party area ni Rey para sakanilang mga guest dahil sa malawak daw ito.

Tiny Kubo

Huling ipinakita naman ni Rey ang kanilang huling ipinatayo at ito ay ang kanilang tiny kubo. Ang mga materyales naman na ginamit nila dito ay Amakan, Concrete at Kahoy. Sa ibaba ng kanilang tiny kubo matatagpuan ang outdoor kitchen nito at dining area. Samantala sa taas naman ay isang napakalaking bedroom na kayang maaccomodate ang 5 katao. Ang Tiny kubo naman daw na ito ay nagkakahalaga ng Php5,000 sa isang gabi. Ito ay fan room lang dahil hindi naumano kailangan ng aircon dito dahil sobrang lamig dito lalo na sa gabi.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Ibinahagi naman ni Rey ang halaga ng kanilang mga nagastos sa bawat bahay na naipatayo nila dito kung saan ang,

Big Kubo – ay nagkakahalaga ng Php500,000.

Tree House – ay nagkakahalaga ng Php100,000.

Tiny House – ay nagkakahalaga ng Php250,000.

Glass House – ay nagkakahalaga ng Php450,000.

Tiny Kubo – ay nagkakahalaga ng Php300,000.

Panoorin dito ang video:

 

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved