Connect with us

Inspiring

Praktikal at Kakaibang Wedding Style ng Couple na ito Hinangaan sa Social Media

Isa sa pinaka espesyal na pangyayari sa buhay ng dalawang taong nagmamahalan ay ang pagpapakasal, dahil ito ang araw kung saan ginagawa na nilang sagrado ang kanilang pagmamahalan sa harap ng diyos ama. Dito itinatali nila ang kanilang sarili sa isat-isa kung saan sa hirap at ginhawa ay magkasama sila hangang sa huling pagtibok ng kanilang mga puso.

Sa panahon ngayon ibat-ibang pakulo na ang ating nakikita sa social media ng mga nagpapakasal, at karamihan dito ay hinahangaan dahil sa kanilang pagiging practical pero nagagawa padin nilang espesyal.

Katulad nalang ng nagviral na maikling video na ibinahagi ng nitezen na si Znc Aragon sa kanyang facebook account kung saan makikita ang groom at bride na imbis na bridal car ang kanilang sinakyan patungong venue ay naka bisikleta ang mga ito suot ng kanilang wedding gown at suit.

Sakay ng kanilang bisikleta, binaybay ng groom at bride ang napakainit na kalsada ng walang kaarte-arte. Hinangaan naman sa social media ang mag-asawa dahil sa kanilang pagiging praktikal at simple.

Hindi man sila nakasakay sa magarang sasakyan o bridal car, isang magandang experience naman sakanila ang kanilang ginawa dahil maliban sa nagenjoy sila, nakuha din nila ang atensyon ng mga tao na kanilang nadadaanan, maliban pa dito ay nagviral ang video nila sa social media na umabot na sa higit kumulang 300k views sa facebook. Lumabas na din sa ibat-ibang naglalakihang facebook page ang kanilang viral video at story.

Sobrang memorable sa mag-asawang ito ang kanilang simple pero kahanga hanga na kasal, dahil nakatipid na sila, sumikat pa sila at naging inspirasyon sa ibang couple na gustong magpakasal na kahit simple lang ang kasal ang mahalaga ay masaya kayo at nagmamahalan at mairaos ang kasal na inyong pinapangarap.

Ipinapakita din ng couple na ito na ang pagiging practical sa kanilang kasal ay magandang desisyon, dahil magagawa pa din na memorable ang isang wedding ng hindi gumagastos ng sobra, dahil ang pinakamahalaga naman talaga ay ang pagmamahal na nagsisilbing tali o bigkis sa mag-asawa na kahit ano pang problema ang dumating sakanila ay kayang kaya nila itong harapin ng hindi naghihiwalay.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved