Connect with us

Inspiring

“Wala sa talino yan, nasa DIKSARTE yan!” Sa Edad na 22 Taon Gulang, Isang Dalagita Milyonaryo na Dahil sa Pagtitinda nito Online

Simula ng magkaroon ng internet at social media, naging madali na sa buhay ng tao ang maghanap ng kung ano-ano sa online world, dahil sa lawak ng sakop ng internet pwedeng pwede na dito mag-aral, mag-trabaho, kumita at magnegosyo. Dito din nauso ang mga online selling kung saan lahat ng mga kailangan mo ay makikita mo na sa internet.

Marami narin ang yumaman dito lalo na yung mga online seller na katulad ni Joyce Sibayan 22 taon gulang, pangarap lang ni Joyce noon na kumita ng malaki pero hindi niya inaasahan na yung malaki ay sobra pa sa kanyang  inaasam matapos kumita ng milyon sa kanyang pagtitinda online.

Kwento ni Joyce dati na din siyang negosyante at mayroon siyang maliit na shop dati pero naluge ito. Muntik narin sumuko si joyce dahil sa hirap ng kanyang mga pinagdaanan, nasubukan niya na ang magtinda ng ibat-ibang uri ng produkto kagaya nalang ng mga pre-loved na damit, chili garlic oil, at mga cosmetics product.

“Meron pong times na nag-breakdown po ako and nawala nga po ako sa sarili dahil sunod-sunod yung nangyayari din sa business ko.”

Pero naging matagumpay si Joyce ng sinubukan niyang pasukin ang online selling world.

“Worth it lahat ng pagod at pagtitiis, habang yung iba nag a-outing, living their life ang mga ganap. Ako andito nag-iinvoice, nagpa-pack at nag la-live selling. Lumalaban, para sa pangarap,”

Naging sulit diumano ang pagod at pagtitiis ni Joyce dahil lahat ng kanyang mga pinaghirapan ay unti-unti ng nagbubunga. Nagbigay din si Joyce ng payo sa mga taong nararanasan kung ano ang naranasan niya katulad ng nasasabihan ng walang mararating sa buhay at madalas least chosen sa klase dati na wag panghinaan ng loob,

“Kaya sa mga katulad ko na, laging nasasabihan na walang mararating sa buhay at sa mga laging least chosen sa klase wag kayo panghihinaan ng loob!! Wala sa talino yan, nasa DIKSARTE yan! Believe me, that’s the real deal in life,”

Isa si Joyce sa mga patunay na hindi laging talino ang basehan ng tagumpay sa buhay kundi nasa diskarte din iyan.

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved