Connect with us

Story

7 Months Matapos I-donate ng Babaeng ito ang Isang Kidney niya sa Kanyang Boyfriend ay Pinagtaksilan siya nito

Isang masaklap na kwento ang ibinahagi ng 30 taong gulang na si Colleen sa isang sikat na social media site na TikTok. Kwento niya, taong 2015 nang magkakilala sila ng kaniyang dating nobyo. Sa simula pa lamang ay alam na umano ni Colleen ang sakit ng kaniyang nobyo na halos sampung taon na rin niyang iniinda. Dahil dito, nagdesisyon siyang tulungan ang kaniyang dating nobyo. Dumaan ang dalawa sa iba’t ibang proseso upang malaman kung maaari niyang ibigay ang kaniyang kidney.

Matapos nga na makumpirma ito, ilang buwan rin ang kanilang hinintay upang maging handa si Colleen. Sa kabutihang palad, isang taon mula nang sila ay magkakilala, naging matagumpay naman ang operasyon na ginawa para sa dalawa. Dagdag pa ni Colleen, labis ang naging pasasalamat at saya ng pamilya ng kaniyang dating nobyo.

Photo credits: Tiktok

Bagamat naging maayos na ang kanilang pamumuhay mula noon, sa kasamaang palad ay nagkaroon sila ng napakalaking problema na nag-udyok ng kanilang paghihiwalay. Pagbabahagi ni Colleen, pitong buwan mula noong kidney transplant, nagpaalam ang kaniyang nobyo upang dumalo sa isang party sa Las Vegas. Agad naman siyang pumayag dahil mayroon siyang tiwala sa kaniyang relihiyosong nobyo.

Photo credits: Tiktok

Kwento ni Colleen,

“He was texting me all throughout… he wanted me to be there, and how much he wanted to read the bible. I didn’t think that anything was going to happen in Vegas, because he portrayed himself as a really religious man.”

Dahil dito, laking gulat na lamang ni Colleen nang umamin ang kaniyang nobyo sa kaniyang panloloko. Bagamat labis na nasaktan si Colleen, pinili pa rin nito na patawarin ang kaniyang nobyo. Ngunit matapos ang pag-amin nito, hirap na umanong magtiwala si Colleen. Nakaramdam din siya ng insecurity dahil dito.

Photo credits: Tiktok

Madalas na rin ang kanilang pag-aaway. Isa nga sa mga naging away nila ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Ayon kay Colleen, matapos ang paghihiwalay na ito ay pinutol na ng kaniyang dating nobyo ang lahat ng kanilang ugnayan.

Bagamat nasaktan siya dahil dito, hindi pa rin siya nagsisisi na ibinigay niya ang kaniyang isang kidney para dito. Inamin rin niya na masaya na siya ngayon kasama ang kaniyang kasalukuyang nobyo.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved