Connect with us

Inspiring

Silid ng Isang Harry Potter at K-Pop Fan, Nabigyan ng Isang Makeover

Normal sa mga kabataan ang mangolekta ng mga memorabilia mula sa kanilang kinahihiligang palabas at paboritong aktor o aktres. Ngunit kung minsan, nagkakaroon ng problema kaugnay nito lalo na at kung mayroon lamang tayong limitadong espasyo. Kadalasang nababalewala ang organisasyon ng ating mga kagamitan gayundin ang kagandahan ng ating personal na espasyo.

Photo credits: Real Living | YT

Ganito rin ang kasalukuyang sitwasyon ng 15 sq.m. na silid ng isang Harry Potter and K-pop fan na ito. Dahil dito, nagdesisyon ang may-ari na ayusin ang kwartong ito. Ayon sa LAHUBRE Designs na siyang nasa likod ng makeover na ito, naging prayoridad nila ang storage space para sa koleksyon ng kanilang kliyente,

Photo credits: Real Living | YT

“We immediately thought we needed to change the flooring materials and that the existing closet and racks had to make way for a more efficient storage system.” Ginamit rin ng mga designers ang iba’t ibang espasyo gaya ng headboard na maaaring maging dagdag na storage, “We came up with storage that incorporates the headboard without disrupting the visual flow while establishing a focal point at the same time.” Bukod pa rito, naglagay rin sila ng ilang open shelves kung saan maaaring ilagay ang ilan pang mahahalagang koleksyon. Dagdag pa sa storage system na ito, naglaan rin sila ng isang inspiration wall kung saan makikita ang iba pang koleksyon ng may-ari, “We decided to place a back-painted glass panel to allow her to stick posters and scribble on it without damaging the wall.”

Photo credits: Real Living | YT

Hindi lamang ang storage space at ang mga koleksyon ang naging prayoridad ng mga designers. Siniguro din nila na magiging maaliwalas at maliwanag ang kwartong ito kaya naman naglagay sila ng isang malaking bintana,

“Make sure the source of natural light and ventilation are not blocked. We created a layout that’s free from obstacles and allows the occupant to be productive and efficient.”

Photo credits: Real Living | YT

Sinunod rin nila ang kagustuhan ng kanilang kliyente na gumamit ng kulay asul bilang tema ng silid na ito. Bukod pa rito, maganda rin na ginamit ng mga designers ang ilang furnitures na maaari pang gamitin ng may-ari gaya ng kama at mesa.

Talagang kahanga-hanga ang naging pagbabago ng silid na ito. Dahil sa pagiging mas maaliwalas at organisado ng mga kagamitan rito, talaga nga namang malayong-malayo na ito sa dati nitong anyo.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved