Connect with us

Inspiring

Mag-Asawang Nawalan ng Hanapbuhay, Ngayon ay Kumikita ng PhP40,000 Mula sa Kanilang Turon Business

Bagamat mayroong mga tao na humarap sa ilang hamon noong nagsimula ang pandemya gaya ng pagkawala ng kanilang mga trabaho, mayroon namang ilang indibidwal na mapalad at nagkaroon ng ilang oportunidad.

Photo credits: Pera Paraan | YT | FB

Kwento ng mag-asawang sina Joen at Jas Chozas, pareho silang nagtatrabaho bilang chef sa ibang bansa ngunit noong nagsimula ang pandemya, natigil ang kanilang pagtatrabaho kaya naman napilitan silang umuwi na lamang sa Pilipinas. Anim na buwang walang trabaho ang dalawa kaya naman naisipan nilang magbenta ng special turon na mula mismo sa kanilang sariling recipe.

Photo credits: Pera Paraan | YT | FB

Ibinahagi naman ni Joen kung saan nagmula ang ideya ng kanilang special turon, “Kapag medyo stressed, ang hahanapin mo agad ay pagkain. Kaya nag-request ako sa misis ko na kung pwede magprepare siya ng turon kasi yun ang paborito ko.” Dagdag pa niya, “Pero ang gusto ko yung hindi masyado oily. So, nilagyan namin siya ng powder para ma-eliminate yung pagka-oily ng turon. So, doon nagcome up and idea na masarap pala ito.”

Photo credits: Pera Paraan | YT | FB

Kaya naman mula sa puhunan na PhP3,000, bumibili sila ng saging mula sa mga lokal na magsasaka sa halagang PhP20 hanggang PhP25 per kilo. Ayon sa kanila, bukod sa mas murang sangkap na kanilang nakukuha, nakakatuwa rin dahil nakakatulong sila sa ibang tao.

Sa ngayon ay 16 na flavors ng turon ang ibinebenta ni Joen at Jas ngunit ang ilan sa mga bestseller nila ay ang macapu-ron, cheesy-ron, choco-ron, langka-ron, at ube-ron. Dahil sa naging mabenta ang kanilang special turon, ngayon ay kumikita na si Joen at Jas ng PhP24,000 hanggang PhP40,000 sa isang buwan.

Photo credits: Pera Paraan | YT | FB

Ibinahagi rin ni Joen ang espesyal na kahulugan sa kanila ng turon. Ayon sa kaniya, “Turon, ang ibig sabihin sa amin nun ay ‘to run’. Ibig sabihin, in times of challenges, trials, and hardships, you’re best option is to run to God.”

Photo credits: Pera Paraan | YT | FB

Talaga nga namang naging makahulugan na sa mag-asawa ang kanilang produktong turon. Dahil dito, nagkaroon sila ng pagkakataon na magkaroon ng sariling negosyo at kumita nang malaki kahit mayroong pandemya.

Bagamat hindi natin inaasahan na magkakaroon tayo ng ideya o pagkakataon upang makapagsimula ng sarili nating negosyo, dapat na tularan natin sina Joen at Jas na ibinigay ang kanilang buong makakaya upang mapabuti ang kanilang kasalukuyang pinagkakakitaan.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved