Connect with us

Inspiring

Isang Takoyaki Business, Ngayon ay Kumikita ng PhP170,000 sa Isang Buwan

Maraming mga negosyo ang nagsara noong magsimula ang pandemya. Iilan lamang ang mga pinalad na magtagumpay sa kabila ng hamon ng pandemya. Dahil dito, kakaunti lamang ang naglakas-loob na magsimula ng kanilang sariling negosyo dahil sa takot na malugi ito ngunit hindi nagdalawang-isip na sumugal sina Christine Gablines at Jean Kevin Tubello sa kanilang takoyaki business.

Ayon sa kanila, nagtatrabaho sa isang cruise ship si Jean samantalang isa namang freelancer si Christine ngunit noong nagsimula ang pandemya ay naapektuhan na ang kanilang mga hanap buhay. Dahil dito, nagdesisyon silang magtayo ng isang negosyo. Sa halagang PhP40,000, sinimulan na nga ni Jean at Christine ang kanilang takoyaki business na Takoyummy.

Photo credits to the owner

Gaya ng ibang negosyo, naging matumal ang kanilang kita sa simula kaya’t kung minsan ay kuntento na sila sa PhP2,000 na kinikita ng kanilang food cart business. Kwento pa ni Christine,

“Nakaka-humble isipin how we started on our own, yung times na ako yung nag bbike ng food cart at yung partner ko naman nagluluto ng takoyaki. Or minsan nagmomotor ako tas siya naman sa cart. Mahirap talaga siya at first especially na most people around you will doubt you about your business pag nagsisimula pa, minsan yung mga complete strangers pa yung may tiwala sayo kesa sa mga kakilala mo.”

Photo credits to the owner

At dahil nga sa determinasyon ni Jean at Christine ay unti-unti silang nagtagumpay lalo na noong nagbukas ang kanilang negosyo ng mga franchise. Sa loob lamang ng isang taon ay nagkaroon na sila ng 11 na branches.

Nagbukas rin sila ng isang branch sa hometown ni Christine sa Dumaguete, Negros Oriental. At ang pinakabagong negosyo ni Jean at Christine ay ang kanilang minimalist coffee shop na Bean There Cafe. Mula nga sa PhP2,000 na kita sa araw-araw, ngayon ay kumikita na ng PhP170,000 ang dalawa sa kanilang negosyo.

Photo credits to the owner

Dahil sa tagumpay na kanilang tinatamasa ngayon, nagbahagi naman ng payo ang dalawa sa mga kapwa nila negosyante,

“Message ko sa mga katulad naming mga start-up entrepreneurs is that huwag kayo sumuko and always aim to improve your existing business. Yung success, hindi siya overnight, pero dadating talaga siya sayo pag hiningi mo siya kay Lord.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved