Connect with us

Inspiring

Namasukang Yaya Noon Para Makapag-Aral at Makapagtapos sa Kolehiyo, Tagumpay na Nag-Top 1 sa Licensure Examination for Teacher

Prebilihiyo ng marami sa atin na makapagtapos n pag-aaral, kaya naman ang ilan kahit na salat sa kahirapan ay ginagawa pa rin ang lahat ng pamamaraan para maitaguyod ang kanilang pag-aaral, ito ay dahil na din sa kagustuhan nila na makamit ang kanilang pangarap sa buhay lalo na ang kaunlaran na inaasam ng sinoman.

Photo Credits: Maricris Colipano | FB 

Ang 26-taong gulang na si Maricris Colipano na mula sa Brgy. Upper Natimao-an Carmen, Cebu ay isa lamang sa mga kababayan natin na sa kabila ng kahirapan ng buhay ay hindi sinukuan ang kanyang pag-aaral bagkus ay nagsumikap siya at iginapang ang pag-aaral niya kaya naman sa huli ay nagbunga ito at kamakailan nga lamang ay hinirang siyang Top-1 sa katatapos lamang na Licensure Exaination for Teacher o LET.

Photo Credits: Maricris Colipano | FB 

Nagbigay inspirasyon sa marami ang kuwento ng tagumpay ni Maricris, ito ay dahil bago niya naabot ang nakamit niyang pangarap na ito napakarami munang paghihirapang dinanas niya sa kanyang buhay.

Ayon sa ulat si Maricris ay lumaki sa isang payak na buhay, kung saan isang magsasaka ang kanyang ama. Dahil sa kahirapan, bata pa lamang ay naranasan na niya ang magbanat ng buto at dahilan din ang kahirapan upang maranasan niyang mahinto sa pag-aaral.

Photo Credits: Maricris Colipano | FB 

Una niyang nasubukan ang maging isang yaya at noong siya ay 19-taong gulang na ay nakapagtrabaho naman siya sa isang kompanya sa Danao City. Dahil sa kanyang pagtatarabaho ay nagawa ngang makapag-ipon ni Maricris para sa kanyang tuition fee at kahit na late ang edad niya para sa enrollment ay hindi siya nagdalawang isip na ituloy ang kanyang pag-aaral.

Kalaunan nga ang pagsusumikap ni Maricris ay nagbunga, siya ay nakapagtapos ng kolehiyo at hinirang na Cum Laude sa kanyang pagtatapos sa Cebu Technological University (CTU) noong taong 2019.

Pagkatapos na pagkatapos ngang maka-graduate ay agad na naghanda si Maricris para sa kanyang licensure exam, at sa kanyang pagtatiyaga ay muli ngang nabigyan niya ng katuparan ang pangarap niya kung saan ay nakapasa nga siya sa nasabing board exam at hinirang pa siyang Top 1 dahil sa average niyang 92.40.%

Photo Credits: Maricris Colipano | FB 

Dahil sa karangalan na ito na nakamit ni Maricris na nagbigay karangalan din sa kanyang Alma Matter, ay nakatanggap nga siya ng monetary reward mula rito. Marami na ring mga paaralan ang gusto na mag-hire sa kanya, ngunit mas nais nga umano muna niya na mag-volunteer teacher habang hindi pa nga siya opisyal na employed.

Tunay namang kahanga-hanga ang kuwento ng tagumpay ni Maricris, at nawa’y maging inspirasyon siya sa marami lalo na nga sa mga kabataan.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved