Connect with us

Inspiring

“Kubo no more” Siyam na Magkakapatid na Nakatira Noon sa Kubo Naipatayo ang Dream House ng Kanilang mga Magulang Dahil sa Kanilang Pagtutulungan

Hindi nga lamang ang mga magulang ang mayroong pangarap para sa kanilang mga anak, dahil maging ang mga anak ay mayroon ding pangarap para sa kanilang mga magulang, at ito nga ay ang tumbasan ang naging pagsasakripisyo ng mga ito para sa kanila sa pamamagitan nga ng pagbibigay ng maayos at ma skumportableng buhay sa mga ito.

Photo Credits: Ino Calva | Facebook  

Tunay ngang marami sa atin ang bago naranasan ang maginhawang buhay ay danas na danas muna ang hirap ng buhay at nakalakihan din natin na nakikita ang sakripisyo ng ating mga magulang para sa atin, kaya naman sa lahat ng mga sakripisyo nga nila na ito batid natin na deserve nila ang magandang buhay kapag ito nga ay kaya na nating ibigay sa kanila.

Samantala, kamakailan nga lamang sa isang Facebook sa FB page ng Home Buddies ay mayroong isang netizens ang nagbahagi ng kanilang napakagandanga tahanan na ngayon kalakip nito ay ang kuwento kung paano nga nila napagtagumpayan ng kanyang pamilya ang maipatayo ito sa kabila ng naranasan nilang kahirapan ng buhay noon.

Photo Credits: Ino Calva | Facebook  

Pagbabahagi ng netizens na si Sar Calva, nais niyang magbigay inspirasyon sa marami nating mga kababayan na dumadanas ng mga pagsubok at kahirapan sa buhay, kaya naman kanya ngang ibinahagi ang kuwento nilang siyam na magkakapatid na mula sa hirap at kung paano nila nagawang ipatayo ang napakagandang dream house para sa kanilang mga magulang.

Photo Credits: Ino Calva | Facebook  

Ayon kay Sar, noon ay isang maliit na kubo lamang ang kanilang tinitirhan at ang kanila ngang pamumuhay ay masasabing isang kahig, isang tuka ngunit sa kabila nito ay pinahalagahan ng kanyang mga magulang ang edukasyon nilang magkakapatid kaya naman talagang iginapang ng mga ito ang kanilang pag-aaral kahit na nga hirap sila sa buhay.

Kuwento pa niya, dahil nga sa lumaki silang siyam na magkakapatid sa barung-barong na bahay, ay naging kumportable ang kanilang pamumuhay habang sila ay lumalaki. Naranasan din nga umano nila ang magpalipat-lipat ng tirahan ito ay dahik minsan ay pinapayas nga sila dahil sa nakikitira lamang sila.

Naranasan din nga nila ang mamuhay sa bundok, na malayo sa kabihasnan at walang kuryente hanggang sa ang kanya ngang mga magulang ay nakapagpundar ng maliit na barung-barong at dito na nga sila nanirahan magpamilya.

Photo Credits: Ino Calva | Facebook  

Ngunit sa kabila nga ng kanilang barung-barong na bahay, ibinahagi naman ni Sar na dito nabuo ang pangarap nilang siyam na magkakapatid, at isa na nga sa mga ito ay ang balang araw ay magkakaroon din sila ng maganda, malaki at kumportableng bahay hindi lamang para sa kanila kundi lalo na nga sa kanilang mga magulang.

Dahil sa pagsusumikap ng kanilang mga magulang ay nakapagtapos nga silang lahat na magkakapatid, nagkaroon ng maayos na trabaho at nakabuo na ng kani-kanilang pamilya. Sa kabila nito ay hindi naman nila nakalimutan ang pangarap nila para sa kanilang mga magulang at ito nga ay ang mabigyan ang mga ito ng maayos at kumportableng tahanan.

Photo Credits: Ino Calva | Facebook  

Kahit nga may kanya-kanya na silang pamilya at halos bihira na lamang nila makapiling ang kanilang mga magulang, ay nagtulong-tulong nga silang magkakapatid na mabigyan ng maganda at maayos na bahay ang kanilang ama at ina, at sinigurado din nila na ang mga ito ay kumportableng namumuhay.

Sa pagtutulungan nga nilang magkakapatid ay naipatayo nila ang isang tahanan para sa kanilang mga magulang, na hindi lamang maganda kundi ito rin ay malaki dahil sa mayroon itong dalawang palapag. Sobrang proud naman talaga ang magkakapatid dahil sa naibigay nila sa kanilang mga magulang ang noon pa man ay pangarap nila para sa mga ito.

Narito nga ang kabuaan ng post ni Sar sa group page ng Home Buddies kung saan ay kalakip nito ay ang larawan ng barung-barong nilang tahanan noon at ang kasalukuyang tahanan na ng kanilang mga magulang na kanila ngang ipinagawang magkakapatid.

“Hello mga ka HB!

Let me share our story, not to brag but to inspire and to give motivation to us all. We came from a poor family. We are 9 siblings (do re me). Our parents value Education – so even our situation is like kulang pa sa pagkain ang kinikita nila they still sent us to school..we never complained the hardships in life, each of us(siblings) experienced the difficulties and different trials.

We grew up without a comfortable house. Na experience namin na nakikitira sa ibang bahay at pinapaalis, na experience namin na tumira sa bundok ,walang kuryente malayo sa mga tao..nagkaroon kami ng maliit na bahay pero it looks like temporary hindi sya tapos. *

Dahil sa sitwasyon namin, lahat kami nangarap na magkaroon ng sariling bahay someday, nangarap na mabigyan ng magandang bahay ang parents namin.

Fast forward lahat kmi nakapagtapos ng pag aaral, nagkaroon ng trabaho at nagkaroon din ng mga sariling pamilya..May mga sariling bahay na rin kmi pero ang e – po post ko dito hindi un mga sariling bahay namin kundi ang ANCESTRAL HOUSE namin na ginastusan ng Isang Kapatid namin (thank you Andj Lina ).

Photo Credits: Ino Calva | Facebook  

Sad nga lang dahil nasa heaven na ang parents namin. Pero kahit wala na sila alam namin they are happy kasi pangarap nila ito. Sa panganay naming, salamat at kahit hindi sya architect pero sya ang nag paplano sa design sa bahay in collaboration sa mga ideas naming magkapatid. Salamat sa ibang mga kapatid na bumili ng mga gamit sa bahay, Salamat sa parents namin na kahit wala na sila pero we can still feel their guidance at higit sa lahat Salamat kay Lord God for All the blessings, guidance and protection.

Lahat tayo may karapatang mangarap kahit mahirap tayo, all our dreams are valid. “

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved