Connect with us

Inspiring

Dating Street Vendors, Matagumpay ng Negosyante Ngayon ng ‘Ihawan’ na Mayroon ng Anim na Branches

Inspirasyon ang naging hatid sa marami ng isang dating street vendors, ito ay dahil sa kanya ngang pagsusumikap at determinasyon, ngayon ay matagumpay na siyang negosyante ng kanyang Ihawan Business na mayroon ng anim na mga branches.

Photo Credits: GMA Public Affairs | Youtube 

Ibinahagi ni Camele Esmella ng Boy & Nita Ihaw-Ihaw ang nakaka-inspire na kuwento kung paano nga ba nagsimulang maging matagumpay ang negosyo nila na sinimulan ng kanyang mga magulang.

Kuwento ni Camele ang kanyang mga magulang ay parehong mga street vendors, kung saanang kanyang ina ay nagtitinda ng bangus at tilapia. Tila nga umano parte na ng buhay nila ang Bangus, dahil ang kanyang mga magulang nga ay nagkakakilala din dahil sa pagtitinda ng mga ito ng nasabing isda.

Photo Credits: GMA Public Affairs | Youtube 

Samantala, ayon kay Camele dahil hindi pinahiintulutan sa Marikina ang mga street vendor ay kinailangan ng kanyang mga magulang na mangupahan ng puwesto kung saan nga maipagpapatuloy ng mga ito ang pagtitinda ng isda. Pagbabahagi pa niya, ang Ihawan business ng kanyang mga magulang ay nagsimula lang talaga sa pagiging libangan ng mga ito.

Photo Credits: GMA Public Affairs | Youtube 

Dahil nga sa libangan lamang naman ang Ihawan business na sinimulan ng kanyang mga magulang, ay hindi nga nila inakala na dito pala magsisimula ang magandang takbo ng kanilang negosyo.

Ayon kay Camele, Php5,000 – Php10,000 ang naging kapital sa una nilang ihawan business, at upang hindi nga umano maapektuhan ng krisis ang negosyong sinimulan ng kanyang mga magulang ay nag-isip sila ng maganda at kakaibang ideya upang maka-survived nga ang negosyo nila sa krisis.

Photo Credits: GMA Public Affairs | Youtube 

“Nag-isip po kami ng paraan kung paano ba namin dadalhin ang inihaw na bangis sa mga bahay ng customer”, ani Camele ng makapanayam siya sa programa ng GMA na Pera Paraan.

Upang may maging bago sa kanilang negosyo, maliban nga sa kanilang inihaw na bangus ay nagsimula din sila ng seafood bilao na magiging swak para sa mga simpleng selebrasyon ng pamilya sa kanilang tahanan, kung saan ang nilalaman nga nito ay crispy compano, shells, mussels, shrimp at marami pa ngang iba.

Nag-offer din nga umano sila ng “make your own bilao meal” sa kanilang mga customer kung saan hindi lamang puro seafood ang pwede nilang i-avail kundi maari ding all-meat o di kaya naman ay all-veggies.

Dahil nga sa pamamaraan na naisip nina Camele ay mas lalong umunlad ang kanilang ihawan business at tinangkilik pa lalo ng kanilang mga customers, dahilan para sa isang buwan ay kumita sila ng 5 to six digits na income. Mayroon na nga sila ngayong 6 na branches at umaasa na madagdagan pa ito.
Ibinahagi naman ni Camele kung ano ang madalas na ipayo sa kanya ng mga magulang niya.

“Ang laging sinsabi ng mga magulang namin sa amin, maging masipag, matiyag, at simple pa rin sa pamumuhay at tumolong sa ibang tao,” ani Camele.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved