Connect with us

Inspiring

Humanga kay Joys David, College Student Noong 11 Years Old at Grumaduate sa Kolehiyo noong 16 Years Old siya, Double Degree Holder pa

Umani ng papuri at paghanga mula sa madla ang isang Filipino-American na nakatira sa California, U.S.A. Siya nga si Joys David, 18 taong gulang na nagpabilib sa publiko dahil sa taglay niyang katalinuhan.

“I actually didn’t go to middle school or high school. I just went from elementary to college.”

Photo credits: Eat Bulaga| YT

Hinangaan ng marami si Joys dahil sa edad na 11 ay pumasok na siya sa kolehiyo. Mas lalo namang hinangaan ang dalaga, dahil sa edad na 16 ay nakagraduate na siya ng kolehiyo at double degree holder pa. Si Joys nga ay naka-graduate ng Bachelor of Arts in Creative Writing at Bachelor of Arts in Biology.

Ang puno ng inspirasyon na kwento ni Joys ay naitampok sa “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga noong June 2, 202. Kung saan nga ay tampok ang mga Filipina beauties na double-degree holders, na tulad niya. Matapos nga marinig ang kwento ni Joys ay hindi nga maitago ang labis na pagkagulat at paghanga ng mga hosts na sina Paolo Ballesteros at Maine Mendoza, at player-of-the-day na si Cassy Legaspi.

Photo credits: Eat Bulaga| YT

“I started college at 11. So, I was able to finish. I just graduated last year,2020,”pahayag ni Joys.

Tila hindi rin makapaniwala ang TV host at komedyanteng si Vic Sotto sa kanyang narinig at nagbiro pa nga ito na baka niloloko lang sila. Ngunit, mas lalo namang ikinagulat ng mga hosts na hindi lamang double-degree holder si Joys, dahil magkasabay rin niyang natapos ang dalawang kurso noong 2020.

“I actually took them both at the same time, so I finished at the same time.”

Photo credits: Eat Bulaga| YT

Ibinunyag naman ni Joys na nag-accelerate siya kung saan nga ayon sa kanya ay hindi na siya dumaan ng high school dahil pagkatapos niyang makagraduate sa elementary ay diretso na siyang pumasok ng kolehiyo.

At ang bagay nga na ito ay kanyang nakamit matapos niyang maipasa ang exam, at agad nga siyang nakakuha ng high school diploma.

“Hindi normal” na magkolehiyo ang estudyante sa edad na 11 sa Amerika, “Generally, you graduate high school by 18 and college by 21. Yes, I accelerated. I went from… I actually didn’t go to middle school or high school. I just went from elementary to college.”

Photo credits: Eat Bulaga| YT

Samantala, naikwento rin ni Joys na ang kanyang mga magulang ang nagtulak sa kanya at nag-encourage para magawa niya ito. At hindi naman maitatanggi na masaya at proud na proud ang kanyang mga magulang sa kanyang nakamit na tagumpay.

“They were the ones who encouraged me to do it.”

Matapos naman ang araw na kanyang pagsali sa Bawal ang Judgemental, ay naglabas naman ng video sa social media ang Eat Bulaga na naglalaman ng exclusive interview kay Joys.

At dito nga, ay mas malinaw na naipaliwanag ni Joys kung paano siyang nakapasok ng kolehiyo mula sa elementary at nakamit ang double-degree holder. Hindi rin niya nakalimutang ikwento na bata pa lamang siya, ay goal driven na talaga siya.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved