Connect with us

Entertainment

Mag-asawang Ellen Adarna At Derek Ramsay, Masayang Ipinagdiwang Ang Kanilang 1st Anniversary Bilang Magkasintahan

Ang celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay ay patuloy na pinapabilib ang publiko sa matatag nilang relasyon kung saan nga ay damang-dama ang tamis ng kanilang pag-iibigan. At kamakailan lamang nga, ay masayang ipinagdiwang ng mag-asawang Ellen at Derek ang kanilang 1st anniversary ng kanilang relasyon.

Credits: Ellen Adarna Ramsay | IG

Para sa nga espesyal na araw ng mag-asawa sa kanilang 1st anniversary as a couple ay nagkaroon sila ng isang masayang bakasyon sa beach, kung saan nakasama nila ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Hindi rin siyempre mawawala ang sweet na pagbati ng mag-asawa sa isa’t isa na idinaan sa pagpost sa Instagram. Maunang nagpaabot ng kanyang pagbati ang aktres na si Ellen kung saan ay binalikan niya ang mga sandaling pinakasalan niya sa isang iglap si Derek na tinawag niyang “ex-boyfriend”. Nito lamang ika-4 ng Pebrero nang ibahagi ni Ellen sa Instagram ang sweet moments nila together ni Derek. At base nga sa lokasyon ng IG post ng aktres ay masaya silang nagbakasyon sa Sirom Beach House sa Pangasinan.

Credits: Ellen Adarna Ramsay | IG

“Then (same day last year) and now. If you didn’t marry me in a heartbeat, today would be our [first] year anniversary together… but, gigil na gigil ka (you were so excited). Happy anniversary, ex-boyfriend. I love you.”

Nito lamang ika-3 ng Pebrero ay makikita rin sa Instagram ni Ellen na ibinahagi niya ang kahanga-hangang larawan nila ni Derek, kung saan ay buhat-buhat siya ng aktor. Ang nasabing larawan ay muling umagaw ng atensyon ng mga netizens at umani ng samu’t saring reaksyon.

Credits: Ellen Adarna Ramsay | IG

Samantala, hindi naman nagpahuli si Derek na ipaabot ang kanyang sweet na pagbati sa kanyang misis. Sa Instagran ay ibinahagi ni Derek ang sweet photo nila ni Ellen, at binati ang aktres bilang boyfriend nito. Ayon pa nga kay Derek, ay looking-forward siya sa anniversary nila bilang asawa naman ng aktres.

“Happy first year my love as [your] boyfriend. Looking forward to our first year as your husband. I love you.”

Base naman sa mga larawang ibinahagi ng celebrity couple sa kanilang social media, ay makikitang kasama nila ang kani-kanilang mga anak na sina Elias at Austin.

Credits: Ellen Adarna Ramsay | IG

Sa latest video naman na ibinahagi ni Derek sa kanyang IG story, ay masasaksihan ang pag-uusap nila ni Ellen patungkol sa pagdiriwang nila ng kanilang anniversary, at kung dapat bang wedding anniversary lang nila ang ipagdiwang tuwing Nobyembre.

“If you weren’t so atat (in a hurry) to marry me… The final is wedding anniversary but you didn’t give us a chance to celebrate one year as boyfriend [and] girlfriend,”ayon kay Ellen.

“So we only have to do this once? That’s one less date to remember,”saad naman ni Derek.

Credits: Ellen Adarna Ramsay | IG

Matatandaan na noong Pebrero 2021 nang ibunyag nina Derek at Ellen sa publiko ang kanilang relasyon. At pagsapit nga ng Nobyembre 11 ng kaparehong taon, ang kanilang pag-iibigan ay tuluyang nauwi sa pag-iisang dibdib na naganap sa Bataan.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved