Connect with us

Entertainment

Jodi Sta. Maria, Ipinasilip Ang Masayang Bakasyon Sa Boracay Kasama Ang Kanyang Anak Na Si Thirdy

Sa kabila ng pagiging abala sa trabaho ng aktres na si Jodi Sta. Maria, ay hindi naman niya nakakalimutan ang magkaroon ng oras para sa kanyang nag-iisang anak na si Thirdy. Kamakailan lamang nga, ay nagpahinga muna sa trabaho ang aktres, para makasama si Thirdy sa isang masayang bakasyon sa Boracay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)

Si Thirdy ay anak ni Jodi sa kanyang dating partner na si Panfilo Lacson Jr., at ang kanyang anak na ngayon ay binata na ay kanyang travel buddy. Kaya naman, talagang makikita sa mga larawan na ibinahagi ng 39-anyos na aktres sa kanyang Instagram account na enjoy na enjoy sila sa mala-paraiso sa gandang beach ng Boracay. Masisilayan sa mga larawan ang masayang ngiti ng mag-ina habang sila’y nagba-bonding sa beach.

Caption nga ni Jodi sa mga paboritong larawan nilang mag-ina,“My little boy yesterday, my friend today, my son forever. I love you always, anak.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)

Sa hiwalay namang post ni Jodi sa Instagram, ay makikitang naghihintay silang mag-ina ng kanilang order sa isang ihaw-ihaw stand na matatagpuan sa isla matapos ang kanilang masayang swimming sa dagat noong Linggo. Mukhang masayang-masaya nga ang mag-ina sa kanilang bakasyon, lalo na’t nagbonding rin sila sa pagkain ng paborito nilang ihaw-ihaw.

Caption naman ng aktres sa kanyang post,“Ihaw-ihaw for the win. Gusto daw niya ng isaw. Ano ang favorite inihaw ninyo? Happy Sunday.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)

Sa ganda naman talaga ng tanawing masisilayan sa isla ng Boracay, ay hindi maikakaila na nag-enjoy ang mag-ina sa kanilang bakasyon. Isang napakagandang larawan nga ang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram, kung saan makikita ang kahanga-hangang tanawin na hatid ng paglubog ng araw.

Isa na namang masayang adventure ang naisakatuparan ng mag-ina para makabuo ng isang hindi makakalimutang alaala. Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami ang magandang samahan ng mag-inang Jodi at Thirdy. Sa katunayan nga nito, ay madalas ibahagi ni Jodi sa social media ang kanilang masayang bonding sa kanilang mga bakasyon sa loob at labas ng bansa.

Matatandaan nga na noong nakaraang buwan ng Disyembre lamang nang magtungo sila sa Tanzania para doon ipagdiwang ang Pasko at 16th birthday ni Thirdy. Bago naman lumaganap ang pandemya sa buong mundo, ay nagawa rin nilang bumisita sa Taiwan noong 2019.

Si Jodi Sta. Maria ay kilala sa showbiz bilang isang mahusay na aktres na ilang ulit nang pinatunayan ang husay sa pag-arte. At ngayon nga ay napapanood natin ang aktres sa teleseryeng “The Broken Marriage Vow” na umere sa telebisyon noon lamang nakaraang linggo.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved