Connect with us

Entertainment

Ryza Cenon Ibinahagi ang Kasalukuyan Nilang Tinitirahan na Tahanan

Si Rhiza Ann Cenon Simbulan o mas kilala na ngayon ng publiko bilang ang aktres na si Ryza Cenon, ay unang nakilala sa 2nd season ng Starstruck sa Kapuso network kung saan ay itinanghal siya noon sa nasabing kompetisyon bilang Ultimate Female Survivor.


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube Channel

Ngayon ay isa si Ryza Cenon sa mga sikat na aktres sa showbusiness. Maliban sa pagiging isang akttes, ay modelo, painter at dancer din siya.


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube Channel

Nito lamang nakaraan, ay ginulat ng aktres ang kanyang mga tagahanga nang ihayag niya sa publiko na siya ay limang buwan nang buntis, at ang ama nito ay ang kanyang nobyo na si Miguel Antonio Cruz, isang cinematographer.


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube Channel


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube Channel

Kasabay ng pagbubunyag niya ng kanyang pagbubuntis, ay sinabi rin ng aktres na nais niyang ibahagi ang bagong journey ng kanyang buhay, kaya naman nitong Agosto ay ini-launch niya ang kanyang YouTube channel na pinangalanan niyang “Real Ryza Cenon”.


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube Channel


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube Channel

Sa kanyang YouTube vlog ay unang ibinahagi ni Ryza Cenon ang isang “virtual tour” sa kanyang tahanan, para ito sa kanyang mga tagahanga na matagal nang nais masilip ang kanyang tinitirhan.


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube Channel


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube Channel

Gusto din niyang ibahagi sa kanyang mga tagahanga na sa bagong journey ng kanyang buhay ay magiging katuwang niya ang kanyang kasintahan na si Miguel.


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube Channel


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube Channel

Ayon nga sa aktres, ngayon pa lamang sila magsasama sa iisang bubong ng kanyang nobyo, at pansamantala lamang silang maninirahan sa kaniyang tahanan dahil sa inuupahan lamang nila ito at plano rin nila ang magpatayo ng tahanan para sa kanilang bubuohing pamilya.


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube Channel


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube Channel


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube Channel

Makikita nga sa video na iba’t ibang bahagi ng kanilang tahanan ang ipinakita ni Ryza sa “virtual tour” , kabilang sa mga ito ang living room, guest room, master’s bedroom, balcony, walk in closet, at ang kanilang kitchen na isa umano sa paboritong lugar ng aktres dahil sa hilig niya ang pagluluto.


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube Channel


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube Channel


Image courtesy: Ryza Cenon/Youtube Channel

Ipinasilip rin ng aktres ang magiging room ng kanilang soon to be born baby. Saad nga ni Ryza bago matapos ang kanyang video “house tour” ay sinabi nito na “ok na ok” ang lugar kung nasaan siya naninirahan, lalo na sa pagdating ng kanilang baby dahil sa napakatahimik at aliwalas ng lugar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved