Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Yasmine Espiritu Vargas, ang Napakagandang Asawa ng Aktor na si Alfred Vargas

Batid natin na marami sa mga kilala nating mga artista ang nakapangasawa ng mga non-showbiz personality,ngunit sa kabila nito ay hindi natin maitatanggi na hindi man mga sikat na artista ang kanilang mga nakapareha sa buhay ay mala-artista naman ang mga hitsura nito.


Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Katulad na lamang ng isang kilalang aktor sa showbiz na si Kapuso actor Alfred Vargas, na ang asawa ay tila isang artista, at marami pa ang nagsasabi na ang kanyang misis ay nahahawig kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Hindi natin maitatanggi na si Alfred Vargas a y isa sa pinakagwapo aktor sa industriya ng showbiz dito sa Pilipinas. Masasabi rin natin na isa siya sa mga pinakahahangaang aktor sa showbiz, hindi lang dahil siya ay gwapo’t makisig, kundi dahil rin sa taglay niyang talento at galing sa pagiging isang aktor.


Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Kung napahanga tayo ni Alfred sa kanyang angking kakisigan at galing sa pagiging aktor, ay mayroon pa palang mas kahanga-hanga sa kanyang buhay, at ito ay ang pagkakaroon niya ng isang mapagmahal at napakagandang asawa.

Ang napakagandang asawa ni Alfred Vargas ay kinilalang si Yasmine Espiritu-Vargas, na tunay nga namang makikita sa kanyang mga larawan ang nakabibighani niyang kagandahan.


Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Marami naman ang nakakapansin, na may pagkakahawig si Yasmine, sa Kapuso actress na si Marian Rivera. Kung saan, sa unang sulyap nga naman ay maaaring akalain ng sino man na siya ay si Marian, dahil sa pagkakahawig nga nilang dalawa.


Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Ilan pang mga netizens ang nagsasabi, na si Yasmine ay maaari umanong maging doppelganger ng Kapuso Primetime Queen.

Ayon sa ilang source, ang asawa ni Alfred Vargas na si Yasmine Espiritu-Vargas, ay may dugong Italyano, samantala ang Kapuso Primetime Queen naman na si Marian Rivera, ay may dugong Epanyol na taglay.


Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Ngunit kahit pa nga ba, may pagkakahawig si Yasmine, sa aktres na si Marian Rivera, ay masasabi pa rin natin na silang dalawa ay may kanya-kanyang angking ganda at personalidad na tinataglay.

Makikita naman sa mga larawan ni Yasmine Espiritu-Vargas, na talaga namang napakaganda nito. At ilan pang mga larawan ang nagpapakita, kung gaano nito sinusuportahan ang asawang si Alfred sa karera nito bilang isang aktor.


Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Kung babalikan naman ang naging love story ng mag-asawa, ay sinabi ni Yasmine na noon ay isa siyang tagahanga ng aktor, kung saan ay lagi niyang pinapanood ang mga pelikula nito at ang kanyang silid ay tadtad rin ng mga poster ni Alfred.

Taong 2010 ng magpakasal ng lihim sina Alfred at Yasmine sa Korte Suprema.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved