Connect with us

Inspiring

Dating Nangangalakal ng Basura Isa na Ngayong Matagumpay na Negosyante

Halos lahat ng matagumpay na negosyante ay mayroong nakaka-inspire na kwento ng kanilang pagsisimula. Ang ilan sa kanila ay nagsimula sa maliit at nakaranas ng iba’t ibang hamon ngunit naging inspirasyon nila ang mga hirap na kanilang naranasan upang maging matagumpay.

Nagsimula din sa wala ang 30 taong gulang na negosyanteng si Joy Binuya. Kwento niya, maagang nawala ang kaniyang tatay kaya naman doble kayod ang kaniyang nanay para mabuhay sila.

Photo credits: Joy Binuya | Facebook

Marami siyang pinasok na trabaho kahit na siya ay buntis noon.

“I was 5 years old when my father died from heart attack… wala kahit pisong naiwan. Yung Nanay ko naman, walang trabaho that time and buntis pa sa bunso namin. She thought of many ways to earn like gumawa ng basahan, mag-manikurista, mananahi, and yung pinaka naging work niya ay ang pamamasura”, kwento ni Joy.

Photo credits: Joy Binuya | Facebook

Ang perang kinikita mula sa pamamasura ng kaniyang nanay ay napupunta sa pang-araw-araw nilang gastusin. Para makatulong sa kaniyang nanay, natuto rin si Joy na mangalakal ng basura. Maaga rin siyang namulat sa kahalagahan ng pera kaya naman naging masinop siya sa kanilang nakukuhang pera. Iniipon daw niya ang pera mula sa pangangalakal para sa kaniyang mga pangangailangan sa eskwelahan.

Bagamat hirap sila sa buhay, makikitang tuloy-tuloy pa rin ang pagtitiis at pagsisipag ni Joy sa kaniyang pag-aaral. Dahil wala silang pambili ng mga kailangan na libro, nagtitiyaga siyang magsulat sa papel. Naging working student din siya pagtungtong ng high school.

Photo credits: Joy Binuya | Facebook

Namasukan siya bilang saleslady sa isang mall mula 2009 hanggang 2013 kung saan ang ilan sa kaniyang sahod ay napupunta sa gastusin ng kanilang pamilya. Nakatulong din ito upang siya ay makapag-aral sa kolehiyo.

Photo credits: Joy Binuya | Facebook

Pagdating nga ng kolehiyo, nag-dropship siya ng mga beauty products hanggang sa makapagsimula siya ng kaniyang negosyo bilang supplier ng mga beauty products. Kasabay nito, nakapagtapos si Joy bilang Cum Laude.

Photo credits: Joy Binuya | Facebook

Talagang napatunayan ni Joy na may magandang bunga ang pagtitiyaga at pagpupursigi. Dahil sa kaniyang negosyo, naipaayos niya ang kanilang bahay at nakapagpagawa ng ikalawang palapag para dito.

Photo credits: Joy Binuya | Facebook

Sa ipinamalas na magandang pag-uugali ni Joy, hindi malayong makamtan niya ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya at sarili.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved