Connect with us

Entertainment

Anak Nina Pauleen Luna At Vic Sotto Na Si Tali Muling Pinabilib Ang Mga Netizens, Matapos Ipamalas Ang Husay Sa Pagbabasa

Ilang ulit na tayong pinahanga at pinabilib ng anak ng mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto na si Talitha o Tali. Bukod kasi sa napakacute ni Tali ay napakabibo at talagang may talento ito. Kaya naman, hindi maikakaila ang pagiging proud parents nina Poleng at Bossing sa kanilang nag-iisang anak.

CREDITS: Pauleen Luna |IG

Sa katunayan nga nito, ay madalas ibahagi ni Poleng sa kanyang social media accounts ang pagpapakitang gilas ng kabibuhan ni Tali. Matatandaan nga na minsan nang ibinahagi ni Poleng ang video, kung saan ay bibong bibo sa pagsayaw sa Tali.

CREDITS: Pauleen Luna |IG

At kamakailan lamang ay muling pinabilib ni Tali ang kanyang mga tagahanga matapos ibahagi ni Poleng sa Instagram ang video nito kung saan ipinapamalas naman ang galing nito sa pagbabasa. Ngunit, hindi naman ito ordinaryong pagbabasa ng isang bata dahil ang librong binabasa ni Tali ay tinatalakay ang solar system.

CREDITS: Pauleen Luna |IG

Proud na proud naman talaga si Poleng sa talento ng kanyang anak, at talagang napakahusay na nitong magbasa sa kabila ng mura nitong edad. Caption naman ni Poleng sa kanyang post, ay iba’t ibang libro raw ang binabasa ni Tali tuwing gabi at para nga sa gabing iyon ay tungkol sa solar system ang naisipang basahin ng cute na bata. Kapansin-pansin naman na may kasamang action, ang pagbabasa ni Tali, at ibig sabihin lamang nga nito ay naiintindihan na niya ang kanyang binabasa.

CREDITS: Pauleen Luna |IG

“It’s a different book every night. Tonight’s about planets! Love my little reader”

Agad namang napukaw ang atensyon ng mga netizens sa taglay na kacutan at husay sa pagbabasa ni Tali. Kaya naman, inulan ito ng mga komentong puno ng paghanga at pagpuri mula sa mga netizens. Karamihan nga sa mga netizens ay pinuri rin si Poleng dahil sa effort at pagpapalaki niya kay Tali bilang isang bibo at talentadong bata. Sa murang edad nga ni Tali, ay marami na siyang kayang gawin kung saan nga ay ipinapamalas na ang talento.

CREDITS: Pauleen Luna |IG

Tiyak na sa kanyang paglaki, ay mas marami pang bagay at talento na ipapamalas si Tali, na hindi naman maitatanggi na ang kanyang katalinuhan at talento ay namana niya sa kanyang mga magulang.

CREDITS: Pauleen Luna |IG

Sina Poleng at Bossing ay matatandaan na ikinasal noong January 30, 2016 sa Ayala Alabang, Muntinlupa na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. Ang malayong agwat ng kanilang mga edad, ay hindi naging hadlang sa kanilang pagmamahalan. Isang taon matapos ang kanilang kasal, ay isinilang ni Poleng ang sanggol na bubuo at magbibigay saya sa kanilang pamilya, si Talitha na isinilang nga ni Poleng noong November 6, 2017.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved