Connect with us

Entertainment

Richard Gutierrez, Masayang Nagdiwang Ng Kanyang 38th Birthday Sa El Nido, Palawan Kasama Ang Kanyang Pamilya

Hindi natin maitatanggi na sa loob ng bawat tahanan ng pamilyang Pilipino ay hindi nawawala ang masayang pagdiriwang ng kaarawan. Sa tuwing kaarawan nga ng bawat miyembro ng pamilya, ay talagang naghahanda at nagkakaroon ng masayang selebrasyon.

Photo Credits: @sarahlahbati| IG

Isa naman talagang napakagandang biyaya ang muling pagkalooban ng panibagong buhay. Kaya naman, hindi pinalampas ng aktor na si Richard Gutierrez ang pagkakataon na ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Si Richard ay isinilang noong January 21, 1984 at noong araw nga ng Biyernes, ay ipinagdiwang ng aktor ang kanyang ika-38 taong kaarawan. At siyempre, sa espesyal na araw ng aktor ay kasama niya ang buong pamilya na binubuo ng kanyang asawang si Sarah Lahbati, at dalawa nilang anak na sina Zion at Kai.

Photo Credits:@sarahlahbati| IG

Para nga sa espesyal na araw ni Richard, ay mas pinili ng kanilang pamilya na magbakasyon sa isang lugar na masisilayan ang napakagandang tanawin na hatid ng beach, at ito nga ay sa El Nido, Palawan. Makikita sa Instagram, na ibinahagi ng asawa ni Richard na si Sarah, ang masaya nilang bakasyon sa malaparaisong lugar.

Isa namang napakasweet na pagbati ang ipinaabot ni Sarah para sa kaarawan ni Richard. Kalakip ang kanilang sweet photos, ay mababakas naman ang labis na pagmamahal ni Sarah sa kanyang mister.

Photo Credits:@sarahlahbati| IG

“Happy birthday, my love. Lucky to be your wife and best friend. Zion, Kai, [and] I love you so much! May God continue to bless [and] guide you. May all your dreams come true.”

Marami naman sa mga netizens ang nagpaabot ng pagbati sa kaarawan ni Richard. Narito ang komento ng mga netizens.

Photo Credits :@sarahlahbati| IG

“Happy Birthday chard ! GOD BLESS YOU MORE!”, “Happy birthday bro”, at marami pa ngang iba.

Hindi naman maikakaila na masayang-masaya si Richard sa kanyang espesyal na araw, lalo na nga’t kasama niya ang kanyang pamilya. Napakapalad naman ng kanilang pamilya, dahil ang isang ama na tulad ni Richard ay isang mapagmahal na asawa sa kanyang misis at ulirang ama sa kanyang mga anak.

Photo Credits: @sarahlahbati| IG

Makikita naman sa magkakasunod na post ng magkasintahan sa Instagram, na enjoy na enjoy sila sa kanilang masayang bakasyon sa El Nido, Palawan. Bukod nga sa masaya nilang bonding sa iba’t ibang klaseng beach activity, ay nag-enjoy rin sila sa pagbisita sa magagandang isla at lagoons sa El Nido. Hindi rin siyempre mawawala ang pinagsaluhan nilang masasarap na pagkain sa kanilang bakasyon.

Photo Credits: @sarahlahbati| IG

Agaw pansin naman sa mga larawan ang nag-uumapaw na kasweetan ng mag-asawang Richard at Sarah na kahit nga ilang taon nang nagsasama, ay animo’y bagong kasal lamang sila sa kanilang kasweetan. Bagama’t, noong 2020 lamang ikinasal ang mag-asawa, ay matagal na silang nagsasama nang masaya kasama ang dalawa nilang anak na lalaki na sina Zion at Kai na siyang nagbibigay kulay sa kanilang pamilya.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved