Connect with us

Stories

Dating Waiter, Nakapagpatayo na Ngayon ng Sikat na Coffee Shop sa Gitna ng Palayan sa Pangasinan

Bago ang pandemiya, patok na patok na ang mga coffee shop lalong-lalo na sa mga empleyado, estudyante, at mga coffee lovers. At kahit ngayong pandemiya ay tuloy pa rin ang negosyo ng mga coffee shop. Higit pa sa kanilang mga kakaibang inumin, dinadayo ang iba’t ibang coffee shops dahil nakakapagrelax ang mga tao rito.

Photo credits: OG | Youtube

Ganito rin ang ideya sa likod ng coffee shop na ag.KAPI.ta sa Daang Kalikasan Road, Pangasinan na pagmamay-ari ng mag-asawang Mawi Rillorta Jr. at Zelle Verzosa Bendito. Kaiba sa karamihang mga coffee shops na nasa mga malls, ang ag.KAPI.ta ay makikita sa gitna ng malawak na palayan.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Napapalibutan din ito ng ilang mga puno na talaga namang nakakarelax at bago sa paningin ng mga tao. Inspirasyon din sa pagpapatayo ng coffee shop na ito ang outdoor at minimalist coffee shops ng Japan. Ibinahagi ng mag-asawa na parehong coffee lovers ang ideya sa likod ng ag.KAPI.ta,

Photo credits: OG | Youtube

“Naisip namin, ngayong pandemic, problema ngayon is mental kasi nasa bahay tayo, stressed sa trabaho, stressed dahil walang nakikitang bago.”

Photo credits: OG | Youtube

Nagsimula ang mag-asawa sa 150,000 pesos na kapital. Bagamat kulang pa ito para sa pagpapatayo ng coffee shop, itinuloy pa rin nila ang pagsisimula ng kanilang negosyo. Sa katunayan, makikita sa mag-asawa ang kasipagan at dedikasyon na maging matagumpay.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Bago naging negosyante, unang nagtrabaho sa barko si Mawi. Naging waiter din siya sa mga mamahaling restaurant ngunit dahil sa kaniyang kagustuhang umangat sa buhay, nagpursigi pa siya sa trabaho. Kwento niya, hindi raw siya kuntento sa pagiging waiter kaya’t nag-aral siya kung paano gumawa ng iba’t ibang mga inumin,

“Kunyari may order ng cappuccino, ako ang gumagawa. Kahit hindi ko kaya, sabi ko, ‘Someday, magkakaroon ako ng sarili kong coffee machine and coffee shop,'”

Photo credits: OG | Youtube

Bagamat hindi nila inakalang magiging matagumpay ang kanilang simpleng café, kitang-kita ngayon ang tagumpay ng kanilang negosyo. Dahil dito, nagbigay si Mawi na kaunting payo sa mga kapwa negosyante at sa iba pang nangangarap pa lang magtayo ng sariling negosyo. Ayon sa kaniya,

“Makaisip kayo ng isang negosyo, na sa tingin ninyo buong puso ‘yung pagmamahal ninyo doon sa negosyo na ‘yon, gawin niyo. Paano mo nga ba malalaman kung hindi mo susubukan?”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved