Connect with us

Entertainment

Batikang Aktor Na Si John Arcilla, Kinagiliwan Ng Mga Netizens Matapos Gayahin Ang Viral Tiktok Video Ni Joshua Garcia

Ang gwapong aktor na si Joshua Garcia ay hinahangaan ng marami. Kaya naman nang subukan nitong mag-Tiktok noong nakaraang buwan ng Disyembre 2021, ay talaga namang agad humakot ng milyong-milyong views ang kanyang video, at nag-viral pa nga ito.

CREDITS: John Arcilla (@johnarcilla) |TIKTOK

Sa taglay naman talagang kagwapuhan ni Joshua, na sinamahan pa nga ng napakacute na ngiti ay marami ang kinilig matapos mapanood ang Tiktok video ng aktor. Marami nga sa mga netizens at ilang celebrities sa showbiz ang ginaya ang nakakaaliw na Tiktok video ni Joshua.

Isa na nga rito ang batikang aktor na si John Arcilla na kinagiliwan rin ng netizens. Ang nag-viral na Tiktok video ni Joshua ay mayroon ng mahigit isang daang milyong views sa kasalukuyan. Ngunit, hindi naman nagpahuli ang award-winning actor na si John Arcilla, dahil matapos niyang gayahin ang Tiktok video ni Joshua ay umani naman siya ng isang milyong views matapos lamang ang isang araw magmula ng ibahagi niya sa publiko.

CREDITS: John Arcilla (@johnarcilla) | TIKTOK

Sa caption naman ng Tiktok video ni John, ay pabiro nitong sinabi na ang “tatay naman ni Joshua” ang patikimin ng 100 million views. Sa caption rin ng kanyang video, ay pinasalamatan ni John ang kanyang 2 million followers na palaging nakasuporta at nakaabang sa kanyang mga video.

β€œTatay naman ni Joshua ang Pahandred Milyunin nyo ah.”

Makikita naman sa Tiktok video ni John na gayang-gaya niya kung paano magpacute si Joshua sa harap ng camera. Hindi naman maitatanggi na sa pagiging aktibo ng aktor sa Tiktok ay sanay na sanay na itong gumawa ng mga nakakaaliw na video para sa kanyang mga fans.

CREDITS: John Arcilla (@johnarcilla) | TIKTOK

Maliban sa viral Tiktok video ni Joshua, ay makikita rin sa Tiktok profile ni John ang samu’t saring video, mapa-dance challenge, dubsmash, at iba pang video na hatid ay magbigay saya sa kanyang mga tagahanga.

CREDITS: John Arcilla (@johnarcilla) | TIKTOK

Ang 55 taong gulang na si John Arcilla ay award winning actor sa industriya ng showbiz na nagsimula pa sa kanyang karera noong dekada 90. At hindi naman maitatanggi na ang kanyang husay sa pag-arte ay talaga namang kahanga-hanga, walang duda kung bakit ilang ulit siyang naparangalan bilang Best Actor.

Matatandaan naman na noong 2015, ay mas lalo siyang sumikat at ipinamalas ang husay sa pag-arte sa kanyang pagganap bilang Gen. Antonio Luna sa historical biopic film na Heneral Luna. Sa ngayon, ay mapapanood si John sa action-drama series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ng aktor na si Coco Martin, kung saan nga ay gumaganap naman siya bilang Renato “Buwitre” Hipolito. Nakaabang na rin ang kanyang mga tagahanga sa bago niyang proyekto na “A Hard Day” kung saan makakasama niya naman si Dingdong Dantes.

@johnarcilla4fpun

Tatay naman ni Joshua ang Pahandred Milyunin nyo ah πŸ˜πŸ˜πŸ˜πŸ™„πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚βœŒοΈ#fyp #thankyou2Mfollowers #angprobinsyano #heneralluna #hagorn #johnarcilla

♬ original sound – John Arcilla – John Arcilla

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Β© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved