Connect with us

Entertainment

Isang OFW Nurse sa Bahamas, Niregaluhan ng Container-Inspired House ang Ina

Natural sa mga anak na maghangad na mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga magulang bilang kabayaran sa mga sakripisyo nila. Dahil dito, ang ilan sa kanila ay todo ang pagkayod at pagtatrabaho samantalang ang iba naman ay nangingibang-bansa pa para makapaghanap ng mas magandang trabaho. Lahat ng pagod at pangungulila ay tinitiis ng mga OFW para sa kanilang pamilya at pangarap. Katulad ng ilang mga Pilipino, nangibang-bansa rin si Justine Nunag upang makapagtrabaho bilang isang nurse sa Bahamas. Nangarap din siyang sorpresahin ang kaniyang ina ng isang bahay.

Photo credits: realliving.com.ph

Kwento ni Justine, hindi na siya nakauwi sa Pilipinas noong nagsimula ang pandemiya kaya naman inipon na lang niya ang kaniyang perang pambakasyon at ginamit ito sa pagpapagawa ng container-inspired rest house para sa kaniyang nanay.

Ang lupang kinatatayuan ng bahay ay 64 sqm. lamang samantalang ang bahay ay may sukat na 20 sqm. Bukod sa sala, maliit na kusina, at dining area, may maliit na patio rin ang rest house na gagamitin ni Justine bilang tambayan kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Mayroon ding jacuzzi area ang rest house. Dahil sa maliit na sukat ng bahay, kakaiba rin ang mga kagamitan dito katulad na lamang ng sofa bed na maaaring gamitin bilang kama.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Natuwa rin ang kaniyang nanay sa bahay. Ayon kay Justine, naiyak daw ito sa sorpresa at hindi niya inakalang makakatanggap siya ng ganitong sorpresa. Masaya rin si Justine dahil nakita niyang nagustuhan ito ng kaniyang nanay.

Photo credits: realliving.com.ph

Bukod pa rito, panatag siya na napunta sa magandang investment ang kaniyang pinaghirapang pera. Isa rin sa mga aral na nakuha ni Justine sa proyektong ito ay ang pagtitiwala sa mga taong tumulong na maisakatuparan ang kaniyang proyekto lalo na at siya ay malayo. Pinayuhan din niya ang mga kapwa OFW na magsumikap at hangga’t maaari ay mag-ipon o mag-invest.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Totoong masaya sa pakiramdam kapag natutupad natin ang ating mga pangarap para sa ating mga magulang. Lahat ng pagod ay nawawala makita lang natin na masaya ang ating mga magulang. Inspirasyon si Justine hindi lamang sa mga OFW kundi pati sa lahat na nangangarap na mabigyan ng magagandang bagay ang kanilang pamilya.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved