Connect with us

Entertainment

Dating Komedyanteng si Rufa Mae Quinto, Proud na Ipinasilip ang Bagong Bahay na Naipundar Nila ng Kanyang Asawa sa Amerika

Sa kasalukuyan ay nasa bansang Amerika ang actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto, kung saan ay kasama niya ngayon sa nasabing bansa ang kanyang asawa at anak.
Mula ng lumaganap ang pandemya sa iba’t ibang panig ng mundo, ay hindi pa nakauwi sa Pilipinas ang komedyanteng aktres, kaya naman naisipan na nila ng kanyang asawa na kumuha na ng kanilang sariling bahay sa Amerika.

At sa kanya ngang latest YouTube vlog nito lamang nakaraan, ay masaya at nakaka-aliw na ipinasilip ni Rufa sa publiko ang kanilang bagong bahay na naipundar nilang mag-asawa. Ang inilagay nga ng komedyanteng aktres na titulo ng vlog niyang ito ay, “house-todo-na-tour-vlog.”

Photo credits: Ruffa Mae Quinto | IG

Kapansin-pansin nga sa naging vlog na ito ni Rufa na ang kanilang bagong bahay ay mayroon pang malawak na espasyo at wala pa ngang masyadong mga kagamitan. Kulay puti rin ang pintura nito sa loob, kaya naman mas naging maaliwalas pa ito sa paningin.

Pagdating naman sa kusina, ay makikita ng halos kumpleto na ang kagamitan sa bahagi na ito ng bahay, mayroon na kasi ditong refrigerator, at lutuan.

Photo credits: Ruffa Mae Quinto | IG

Samantala, habang ipinapasilip ng ani Rufa ang loob ng kanilang bahay ay mapapansin na kasa-kasama niya ang kanyang anak na si Athena, na aliw na aliw rin naman.

Photo credits: Ruffa Mae Quinto | IG

Makikita nga sa naging pag-iikot ng mag-ina sa kanilang bahay, ang naging pagpapasilip nila sa Master’s bedroom at sa sarili silid-tulugan ni Athena.

Photo credits: Ruffa Mae Quinto | IG

Makikita nga na ang silid-tulugan ng anak ni Rufa.

Photo credits: Ruffa Mae Quinto | IG

Kitang-kita naman sa awra ni Rufa kung gaano siya kasaya sa lahat ng biyayang tinatamasa ngayon ng kanyang pamilya. Pinasalamatan rin niya ang kanyang mapagmahal at responsableng asawa na si Trevor Magallanes, dahil nakikita niya kung gaano ito nagsusumikap at nagtatrabaho ng husto upang bigyan silang mag-ina ng mga bagay na higit pa sa kanilang pangangailangan.

Ibinahagi rin ng komedyanteng aktres kung gaano siya ka-excited na mamili ng mga kagamitan para sa loob ng kanilang bagong bahay. Dahil sa nais na nga niyang maayos ito at mapaganda pa ang magiging interior design nito.

Dagdag pa ni Rufa, ang kanyang makakasama sa pamimili ng kagamitan para sa loob ng kanilang bagong bahay ay ang kanyang kaibigan, na siya rin ngang driver nilang mag-ina.
Si Rufa Mae Quinto ay ikinasal kay Trevor Magallanes noong buwan ng Nobyembre taong 2016. At halos isang taon lamang ang lumipas matapos ikasal ng dalawa, ay agad rin silang nabiyayaan ng anak, na si Athena.

Noon nga ay LDR o long distance relationship ang naging relasyon ng mag-asawa, dahil sa magka-ibang bansa ang kanilang trabaho. Si Rufa ay nagtatrabaho bilang aktres sa Pilipinas, samantalang si trevor naman ay nagtatrabaho sa Amerika.

Sa kabila naman ng ilang taon nilang LDR na relasyon, ay nanatiling matatag ang relasyon ng mag-asawa, at magkatulong nga nilang tinutupad ang pangarap na kaginhawaan para sa kanilang binuong pamilya.

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved