Connect with us

Inspiring

Sila Ang Mga Kilalang Artsita Sa Showbiz Na Itinuturing Na Kapamilya Ang Kanilang Mga Kasambahay

Ang mga sikat na artista sa showbiz ay madalas na abala sa kanilang trabaho. Kaya naman, wala na silang oras na mag-asikaso sa loob ng kanilang tahanan kagaya na lamang ng paglilinis, pagluluto at paglalaba. Dahil nga dito, ay kumukuha sila ng mga kasambahay para magsilbing katuwang nila sa mga gawaing bahay.

Hindi naman maikakaila na malaki ang naitutulong ng mga kasambahay sa pamilya na kanilang pinagsisilbihan. Hindi nga biro ang pagod, hirap at sakripisyo nila para magawa ng maayos ang kanilang trabaho. Kaya naman mapalad ang pamilya na biniyayaan ng isang kasambahay na tapat, masipag at talagang mapagkatiwalaan. Dahil nga dito, ay hindi na iba ang turing sa mga kasambahay ng pamilya at itinuturing nga na miyembro na rin ng kanilang pamilya.

Katulad na lamang ng mga sikat na artista na ito, na may mabuting kalooban kung saan nga ay itinuturing na kapamilya ang kanilang mga kasambahay.

Mariel Rodriguez at Robin Padilla

Photo credits to the owner

Dahil nga sa pagiging abala sa kabilang trababo, kaya kumuha ang mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla ng mga kasambahay para tumulong sa kanila sa mga gawaing bahay sa loob ng kanilang tahanan. Hindi lamang sa gawaing bahay kailangan ng katuwang ni Mariel, dahil maging sa pag-aalaga sa kanilang dalawang anak na sina Maria Isabelle at Maria Gabriela ay kailangan rin niya ng kaagapay. Minsan naman nang binigyang pugay ng mag-asawa ang kasipagan ng kanilang mga kasambahay kung saan niya ay binigyan nila ng bouquet ng bulaklak.

Isabelle Daza

Photo credits to the owner

Laking Yaya ang aktres na si Isabelle Daza kaya naman hindi na nakapagtataka kung malapit siya sa mga kasambahay. Si Isabelle ay lumaki sa pangangalaga ng kanyang Yaya Luning at ngayon na may sariling pamilya na siya, ay hindi parin ito umaalis sa tabi ng aktres. Si Yaya Luning nga ang nag-aalaga sa anak ni Isabelle na si Baltie. Tinitiyak naman ni Isabelle na binibigyan niya ng tamang benepisyo batay sa ipinapatupad ng gobyerno ang kanyang mga kasambahay. Bukod dito, ay hinihikayat rin ni Isabelle na mag-ipon ang kanyang mga kasambahay. At pagsapit naman ng Disyembre ay dinodoble niya ang mga ipon nito.

Kris Aquino

Photo credits to the owner

Bilang isang single mom ay kailangan ni Kris Aquino ng kasambahay na tutulong sa kanya sa pag-aalaga sa kanyang dalawang anak na sina Bimby at Josh. Hindi naman na iba ang turing ni Kris sa kanyang mga kasambahay, at parang tunay na kapamilya na rin nga ang turing niya sa mga ito. Sa katunayan nga nito, ang Yaya na si Bincai Luntayao ay tinulungan ni Kris sa pagpapagawa ng bahay. Si Kris rin ang sumagot sa gastos ng kasal ni Bincai nang ikasal ito.

Chesca at Doug Kramer

Photo credits to the owner

Ang pamilya ng mag-asawang Chesca at Doug Kramer ay kilalang pamilya na may napakaraming endorsement ng iba’t ibang klaseng produkto. Maging ang kanilang tatlong anak na sina Kendra, Scarlet at Gavin, ay palagi rin abala sa mga endorsements. Bagama’t, hands on mommy at daddy ang mag-asawa, ay kailangan parin nila ng mga kasambahay na mag-aayos at maglilinis ng kanilang bahay. Hindi naman nagkukulang ang Team Kramer na iparamdam ang kanilang pagmamahal sa kanilang kasambahay. Isa na nga rito ang paglalaan ng lounge area para sa mga ito noong lumipat sa bago ning bahay.

KC Concepcion

Photo credits to the owner

Magmula pagkabata ay sa kanyang Yaya Lina na lumaki ang aktres na si KC. Kaya naman, talagang malapit sila sa isa’t kung saan nga ay parang tunay na magulang na ang turing ni KC sa kanyang Yaya Lina. Sa katunayan nga nito, noong 2018 ay binigyan pa niya ang kanyang Yaya Lina ng house and lot bilang ganti sa kasipagan, kabutihan, at sakrisyo nito para sa kanya. Napakapalad nga ni KC dahil may isang Yaya Lina na mahal na mahal siya at handang sumuporta sa anumang landas na kanyang tatahakin.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© Copyright tambaykamuna.com 2020 | All rights reserved